chusaness · ispikritik · umeepal lang

pinalaka este pinilakang tabing.

mahilig akong manood ng tv at pelikula at kung anoano pang palabas. simula pagising ko sa umaga, binubuksan ko na ang TV para manuod ng kung ano man ang abutan ko. hilig ko din manuod ng pelikula sa sinehan kung may sapat na pera ako o kaya naman ay bibili o manghihiram ng dvd(pirata o hindi). ibaibang klaseng palabas na ata ang napanuod ko. drama, romance, comedy, action, horror, sci-fi, etc. pinakapaborito ko syempre ang comedy, susunod ay horror. pero madalas din akong manuod ng drama, at iiyakan ko talaga kapag naapektuhan ako sa istorya.

masyado na ata malawak ang aking imahinasyon at kung anoano idea na para sa palabas ang naiisip ko. gusto kong magsulat.. pero hindi ko magawa. hindi ata ako binigyan ng talento ni lord para maging isang writer. (makikita naman dito sa kunwakunwariang blog na puro kaechosan lang ang nakalagay). pero marami na talaga ideya ang pumasok sa utak ko. pramis.

gusto ko kasi ng twist. may twist sa story.. ung nakakabigla, ung mapapaisip ka at mapapasabi ng ‘wow! di ko akalain un!’ o kaya ‘ayyy ganun pala un?? di nga???’ o pede rin ung ‘ OMGEEEEEE~’ sawangsawa na ako sa mga palabas sa tv na paulitulit na lang ang mga eksena. ibaibang palabas pero mahuhulaan mo na agad ang mangyayari dahil pamilyar ang eksena at para bang napanuod mo na dati. ilan sa mga paulitulit (nakakainis pero minsan pumapatok pa din..)na eksena nasaksihan ko na sa karamihan ng napanuod ko na tv shows/movies:

ilan sa mga eksenang ito ay…

BASTOS NA SIGA vs. MAGINOONG BIDA

lugar ng pangyayari: malapit o mismong sa harap ng tindahan.

 
darating si leading lady, bibili sa tindahan, makikita ni maginoong bida. mamamangha si maginoong bida sa kagandahan ni leading lady. syempre, mapapansin din si maginoong bida ni leading lady dahil usually si maginoong bida ay gwapo, simpatiko, muy bien. pero hindi lang sila ang magkakapansinan. dahil mapapansin din ng bastos na siga at ang kanyang mga alipores si magandang leading lady. magbubulungan sila at magtatawanan. lalapitan ni bastos na siga si leading lady. akmang magpapakilala o diretsahan na lang hihipuan si leading lady. maiinis si leading lady. minsan sasampalin nya, minsan naman aarte lang sya na takot. syempre masasaksihan un ni maginoong bida at sya’y magagalit. eepal sya.. este di nya syempre matitiis ang kawalanghiyaan na ginagawa ni bastos na siga kaya eeksena na sya. at makikipagbugbugan na sya sa bastos na siga at mga alipores. pag nabugbog nya na ang tropa ni bastos na siga, syempre hero na ang dating nya para kay leading lady. pag natalo naman sya at bugbog-sarado, hero pa din ang tingin ni leading lady sa kanya. hindi pwedeng hindi hero ang tingin kay maginoong bida. kasi nga bida nga sya eh.

madalas ko tong makita sa mga pelikula na aksyon. as in madalas. huli ko tong nakita, dun sa ‘ang panday’ na pelikula ni bong revilla nung 2009. akalain mo un, iba na ang verse pero may gantong eksena pa din. tsk tsk. =))

NEVER-ENDING HINGALO SCENE

lugar ng pangyayari: ospital (kapag ang ikinamatay ay sakit) / sa daan o damuhan (kapag ang kinamatay ay barilan o nasagasaan)

kadalasan namamatay na may hingalo scene ay close sa bida, o kaya naman may nalaman na sikreto na dapat nya sabihin sa bida. dun nya un sasabihin sa akmang naghihingalo na sya, pero hindi na nya masasabi dahil naubusan na sya ng hininga. hirap na hirap na nga sya huminga, nakukuha nya pa magsalita. minsan sa pagkahabahabang linya habang naghihingalo, ung mga hindi importanteng sasabihin ang inuuna sabihin. nagpapaligoyligoy pa. tapos kapag nasa puntong ang importanteng parte na ung sasabihin, malalagutan na ng hininga. natigok na.
maraming beses ko na nasaksihan to sa mga palabas, di pa nagsasawa ang mga writers na gamitin tong eksena na to. ewan kung bakit? dati ok lang sya eh. pero pag paulitulit na lang, nakakasawa din talaga. gusto mo nga sigawan ung napapanuod mo na, ano ba yan?! bakit di nyo na lang isugod agad sa ospital?! o tumawag ng doktor?! kailangan ba talaga na magsalita sya habang naghihingalo?! bakit hindi muna nila naisip na maisasalba pa naman nila ung buhay… hmm. pampaganda ba talaga un ng storya?! ah ewan. iba lang siguro talaga ako magisip.

KIDNAPPING

lugar ng pangyayari: sa gitna ng daan na walang masyadong taong dumadaan

kung hindi naglalakad magisa ang bida o basta biktima na may kaugnayan sa bida, eh meron syang sariling sasakyan. ng bigla may darating na sasakyan (minsan itim, pula o puti, kadalasan eh ung family van ang gamit) at lalabas ang mga goons na may daladalang mga baril at armalite. pilit nilang isasakay sa sasakyan nila ang biktima o di kaya ay magkakaroon muna ng barilan bago magtagumpay ang mga goons na matangay ang biktima.

eto ang pinagtataka ko eh. bakit tila yata hindi nauubusan ng goons? paano sila nakukuha? meron bang agency para sa mga goons? magkano kaya ang upa sa kanila at kahit ang buhay nila ay ibubuwis para lang sa masamang plano ng kontrabida? sa halos lahat na lang kasi ng palabas eh bigla meron ng kakamping mga goons ang kontrabida.

marami pa akong nakalimutan na eksena, sa susunod siguro dun ko sasabihin.
eto ay mga pawang opinyon ko lamang, nangingialam pero wala naman talaga intensyon makialam. wag sanang seryosohin. peace 😛

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s