ispikritik · umeepal lang

ma-syete.

WARNING: ITO AY RANT. WALANG KATAPUSAN PAGBUBUHOS NG SAMA NG LOOB O MGA BAGAY NA KINAIINISAN KO SA KASALUKUYAN.
KUNG FAN KA NG MACHETE O NI ALJUR O NI BELA O NI RYZA AT MASYADO KANG BIASED SA IDOLO MO, WAG MO NA LANG ITO BASAHIN O WAG MASYADONG DIBDIBIN.

ITO AY PAWANG OPINION KO LAMANG,

OPINION. WALA AKONG PERSONAL NA GALIT O ANU PA MAN SA MGA MABABANGGIT. ITO AY SALOOBIN NG ISANG MANONOOD NA WALANG MAGAWA SA BUHAY KUNG HINDI MANGIALAM O MAGBIGAY NG KUNWARING KUROKURO SA NAPAPANUOD.

(bakit nakacapslock??! sino kaaway ko??? wala. pagpasensyahan na lang.)

pagpaumanhin.

kakaumpisa pa lang ng machete, pero pakiramdam ko matatapos na. hindi ko naman sya sinusubaybayan o napapanuod talaga. nakikita ko lang sa patalastas ang mga nangyayari. at kasalukuyan napapakinggan mula sa kwarto ng mga magulang ko (iniiwan nilang nakabukas ang tv kahit mahimbing na sila natutulog, pampatulog nila ang sounds na nangagaling sa tv). saan ba patungo ang kwento?!! wala ako nakikitang kainteresinteres sa istorya. sa totoo lang. masyadong predicted ang story. hindi nakakaexcite. sabihin na natin na hindi sya tumulad sa iba na paligoyligoy pa. mabilis natuklasan ang mga lihim. kagaya na lang ng nalaman na pala ng karakter ni bela na si aljur ay ang estatwa. at nalaman na si bela si aginaya.?

naiinis ako. alam ko kasi maganda ung machete dati eh. (kahit na medyo, ehem, hindi pambata?) ung lumang machete. ung partner talaga ni machete ung umukit mismo sa kanya??? (tama ba?) ung wala ng mga nakaraan chorvaloo.

bago pa man ipalabas ang machete, alam ko hindi ko sya magugustuhan. ayoko kay aljur. pasensya naman. (paborito ko sya dati sa starstruck 4, sya bet ko, gusto ko sila ni kris kaya lang OA na sya. OA). ewan ko. pang matinee idol naman talaga sya, kaso….. hay di ko maexplain. basta. pinipilit ba syang maging piolo pascual.. na parang hindi pa dapat?

tapos ang leading lady nya si bela. ayoko din kay bela. unang kita ko pa lang sa kanya nun sa isang episode ng maynila, ayoko na sa kanya. hindi ko din alam kung bakit. kasi obvious na hindi sya marunong umarte?? pero bakit binibuild-up sya?? hindi ko alam. basta ang tingin ko talaga, sa ngayon ah, hindi sya marunong umarte. pero maiimprove naman un eh.

ang kontrabida.. si ryza. inis naman ang pinsan ko sa kanya. hindi ko din alam kung bakit. pero ok naman sya umarte. kaso lang, sobrang sama naman ng karakter nya at hindi na kapanipaniwala. grabe.

tapos hindi ko magets ang story. ayon sa napapanuod ko sa patalastas. parang magulo. may patutunguhan sya… na wala? ganun.

at,, narinig ko ang soundtrack. na inawit ni aljur… pwede ba. bakit ba pinipilit nyo gawin singer si aljur. oo marunong sya kumanta, marunong naman talaga. nagigitara pa. pero…. hindi sya magaling eh? O.O daig pa sya ni jhake vargas. hahahahah. oo, mas bata si jhake, mas gwapo, mas magaling kumanta. kaya nga nagclick ung kanta na ginawa soundtrack ng tagalized ng baker king eh. eh ung beauty and madness ni aljur na ginawa soundtrack sa east of eden? ayun, pinalitan din ng stand up for love naman na babae na ang kumanta, (hindi ko alam kung sino, la diva ba un?)

ung lyrics pa ng kanta sa machete… ayoko na magcomment. dumadami na kasalanan ko.
nagiging masama na ako masyado.

dapat nga mas nauna na ung i heart you pare na ipalabas, di ko tuloy napapanuod un, kaso natutulog na ko ng mga ganun oras. gusto ko pa naman un, kasi romantic comedy. saka mukhang maganda story. at nakakaintriga.~ sana kasi ganun na lang mga palabas. tigilan na muna nila ung mga fantaserye. haaay.

sorry!! eto lang talaga ang napapansin ko. opinyon lang. walang personalan. wag nyo ko awayin (duwag? nyahahahah)
hindi ako bitter o anu. hahahah.
hindi rin ako mas maganda o mas magaling umarte sa kanila.
simpleng tao lang ako na pakialamera masyado. bwahahahahah.

ayun. makapanuod na nga lang ng yongseo cuts 😛

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s