kathang-isip

reel vs. real ; on-screen, off-screen

ITO AY PAWANG KATHANG-ISIP LAMANG. GALING LAMANG SA AKING MALAWAK NA IMAHINASYON. KUNG TUGMA SA TUNAY NA BUHAY, ITO AY NAGKATAON LAMANG. HUWAG SERYOSOHIN. 😛


JUST FOR THE SHOW.

Ang hirap ng.. minamahal ka lang nya kapag lang nasa TV, movie, mall shows o nasa harap ng publiko kayo. His sweet words, the way he looks at me na para ba akong matutunaw, ung mga yakap nya, ung mga hawak nya sa kamay at bewang ko, kapag kinakantahan nya ako na para bang nangagaling sa puso nya ang lyrics ng kanta, ung pagiging nice nya sa akin, pag-aalaga nya sa akin kapag may show kami, ung mga nakakataba ng puso na sinasabi nya kapag tinatanong sya about sa akin, .. sobra sobra na yun para mahulog ang loob ko sa kanya.

Kung sana lang, totoo na lang ang lahat. E kaso, hindi. Puro palabas lang ang lahat ng ginagawa namin. Ung pagiging sweet namin sa isa’t isa? It’s just for the sake of the fans, para na din sa entertainment. Ung lahat ng ginagawa nya, di ko alam kung sincere ba sya dun o sadyang magaling lang syang umarte at hindi lang audience ang napapaniwala nya, pati ako.

Pero hindi ko dapat isipin lang ang sarili kong nararamdaman. Tanggap ko na hanggang palabas lang kami. Pero masama ba umasa kahit kaunti?

Nakakapagod, pero mahal ko sya eh.

AWAY FROM PUBLIC EYE.

Ang hirap ng… hindi mo maipagsigawan sa buong mundo na nagmamahalan kayo. Hindi mo sya magawang i-hug or i-kiss in public. Kapag nakita kayo magkasama, may lalabas na naman na issue at syempre kontrabida na naman ang labas ko. May mga narereceive din akong hate messages galing sa mga fans nya at ng ka-love team nya.

Hindi man lang kami makapagdate kagaya ng ibang ordinaryong couple. Tinatago ako sa publiko, feeling ko kabit ako. Kapag iniinterview sya at tinatanong kung ano namamagitan samin, todo deny sya. Ang sakit-sakit. Bawat pag-deny nya, parang kutsilyo na tumutusok at dumudurog sa puso ko. Kailan kaya darating ung time na kapag ininterview sya about sakin, sabihin man lang nya kung gano nya ko kamahal. Minsan na lang nga kami magkita, dun pa dapat sa walang masyadong nakakakita.

Lagi ko na lang naiisip na kahit mahal nya ko, mahal nya rin ang trabaho nya, hindi ako dapat maging selfish at isipin lang kung ano ang nararamdaman ko. Pero masama bang maging selfish kahit kaunti?

Nakakapagod, pero mahal ko sya eh.

SANA DALAWA ANG PUSO KO.

Ang hirap ng.. dalawa ang minamahal. Ung isa on-screen, ung isa off-screen. Sasabihin nyo, mas mahal ko ung off-screen kasi ayun ang pinili ko in real life? Kaso hindi ganun eh. Hindi ko masabi kung sya ang mas mahal ko dahil sya ang dine-date ko. Madali na lang sana kung ganun db? Para hanggang trabaho na lang talaga kami ng ka-love team ko. Kaso habang lagi kami nagkakasama sa trabaho, lalo ko siyang nakikilala. Ung pagiging sweet ko sa kanya? Totoo lahat yun. Sana nga totoo na lang din kami eh.

Kaso hindi ko rin makalimutan ung isa kong minamahal. Gusto ko rin sanang sabihin sa lahat na mahal ko sya. Pero hindi pwede. Tawagin nyo na kong duwag, pero ayaw ko lang madami ang masaktan. Nahihiya ako, dahil hindi ko man lang siya maipagtanggol sa mga nang-aaway sa kanya dahil lang sa napapabalita tungkol samin, pero mas nahihiya ako dahil lagi kong tinatanggi kung ano man ang meron samin.

Nahihiya rin ako sa isa, dahil feeling ko nagagamit ko sya. Pero totoo yun, mahal ko din sya. Haaay. Ang hirap mamili. Mahal ko sila pareho pero alam ko hindi maaari na dalawa. Selfish na kung selfish, pero parang hindi ko kaya mawala sila. Kahit siguro makasama ko lang sila sa maikling panahon ayos na sa akin.

Masama bang magmahal ng dalawa?

Nakakapagod, pero mahal ko sila eh.

==============================================

kkut! hahahaha. ka-echusan lang to. hmmmm. sabihin na natin fanfic sya na hindi. aahhhh ewan. hindi naman ako marunong magsulat talaga ng fanfic. XD basta ito ay kathang-isip lang.

curious kung sino-sino sila? eeeeeehhhh. secret! hahahahha :))
syempre meron mga tauhan sa isip ko nung sinusulat ko to. para bang nilagay ko lang ung sarili ko sa sitwasyon nila KUNWARI.
hahhaah. at sino yun? di pwede sabihin. mag-assume na lang kayo. pero parang obvious naman ata? hahahhaha. ayun lang, basta choss lang to. 😀 wag dibdibin. nyahahaha.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s