ispikritik

lagi na lang..

di ako bias, pero ung TV namin, mula umaga hanggang gabi eh sa GMA 7 lang lagi. ung buong pamilya ko kasi eh “kapuso” heheh. kaya kabisado ko ata ung lineup ng mga palabas nila mula linggo hanggang sabado. syempre paborito ko panuorin ung mga anime’ 😀

hmmm, magcocomment ako sa mga drama ng GMA7.

babala: ang mga susunod na sasabihin ko ay baka hindi nyo tanggap. kalma lang. ito ay pawang opinyon ko lamang, mga saloobin ko. kung hindi nagustuhan ang aking sinabi, mas mabuti pang huwag na lang ituloy ang pagbasa. pagpasensyahan na din ang aking lenggwahe.(pero hindi naman ako magmumura.) pagpaumanhin.

magaganda naman story sa gma7, ung iba unique, nakakatuwa din ung mga twist minsan, kaso ung iba parang paulitulit, nakakainis na hindi na makatotohanan, na gusto mong sabunutan ung artista o ung mismong writer na nagsulat nun.

nakakapikon kasi eh, nanuod ka ng TV para ma-relax, ma-enjoy, ma-entertain, ma-refresh ung utak tapos ung mapapanuod mo eksena eh mabwibwisit ka lang, bukod sa nakakainis na ung ibang artista kung umarte (na kailangan pa ata ng sangkaterbang workshop) ung mismong kwento eh … masasabi mo.. ang corny. heh.

uunahin ko na ung pinakanaaala ko ah?? medyo sablay kasi ang memory ko eh.

spoiler alert!

TIME OF MY LIFE.

the good.

eto. nung naguumpisa to, promising eh. ok ung theme. ‘danserye’. so parang ineexpect mo ‘you got served’, ‘step up’ ung dating nya, db?
nung umpisa nya, ok sya. ang ganda ng story. ang gagaling pa ng mga artista. eh Ms. Cherie Gil ba naman ung kontrabida, tapos si Raymond Bagatsing (na magaling din sa pagkakaganap nya sa Amaya as Datu Bugna) at si Ms. Jean Garcia. silang tatlo mga batikan na sa pag-arte. ang galing talaga, nadadala ka sa eksena. maaawa ka sa character ni Ms. Jean at maiinis ka sa pagkakontrabida ni Ms Cherie Gil. ung mga confrontation scene nila, panalo!

magaling din na artista si kris, rocco and mark. kayangkaya na rin nila maglead ng drama series. pero ang pinakapaborito ko sa toml eh si sef! hahahah ang cute nya lang umarte na bakla. parang tunay. galing nya din sumayaw. samantalang nung nasa starstruck noon eh ayaw ko sa kanya dahil tingin ko OA. XD pero ngaun ok talaga sya, buti sya ang naisipan na paganapin as best friend ni kris doon. okay din si ryza cenon dun, angaling, ganun ung mga bagay na role sa kanya 😀

ayon, nalalayo na ata ako sa topic.

the bad.

grabe na sa grabedad ang kasamaan ng character ni LJ Reyes na syang kontrabida ni kris. na hindi na kapanipaniwala na dahil lang sa pagkairita nya kay shane ( pangalan ng character ni kris ) eh kung anoanong krimen na ang naiisipan nya. at naggawa nya pang iframeup si shane. eto ang pinakanakakainis dun eh, ung pagframe up. palibhasa napahamak si zyra (pangalan ng character ni LJ) eh syempre talagang madidiin na may kagagawan nung pagsabog eh si shane, na madali naman pinaniwalaan ng nanay ni zyra, lalo pa nung may nakita na ebidensya sa bag ni shane. hahaha hello??! tanga ba si shane para dalin palagi sa bag nya ung ginamit nya dun sa ginawa nyang krimen? nakakainis. kasi parang ginagawang bobo ung mga manunuod eh, pasensya na sa mga writer, gusto ko ung mga idea nyo paminsanminsan, kaso naman ung iba exaggerated na eh!

pero in fairness naman, nung bandang ending na ng time of my life eh okay na. gusto ko ung twist nung nagpanggap si ms.cherie gil na sya ung tunay na nanay ni shane! hahaha kahit pa kunwari lang na kampi sya kay shane nun, panalo XD lalo nung nagaaway si ms. cherie saka si ms.jean, tapos kampi kay ms.cherie si shane. :)) okay un.

yung ending, hay the usual. meron hostage, napahamak, na-comatose,muntikan ng mamatay, may nagkabalikan, nagkapatawaran. haaay.

hmmmm. ayun na lang muna ung palabas na magcocomment ako.

ung mga eksena na gasgas na ginagamit sa mga series, wala na ba kayong maisip na bago.

ung paraan para mapahamak ang bida. hindi nyo ba napapansin na sa mga palabas na alakdana, ikaw lang ang mamahalin, pahiram ng isang ina, time of my life, koreana at sa recent lang na kokak eh dahil sa maganda ung bida eh gagamitin ung ganda nya para pagkakitaan? ipapasok sya sa prostitution, o kaya ibebenta sa foreigner o kaya gagawin syang dancer sa bar. haaaaaynaku! paulitulit. nakakasawa na. masyadong predictable.

at eto pa, lahat na lang ata ng hayop eh nagawan na nila ng palabas, hmmm meron gagamba (gagambino), ahas (kamandag at amaya), alakdan (alakdana), aso (bantatay), palaka (kokak), atbp. dun sa daldalita lahat ng klase ng hayop nandun. pero gusto ko ung daldalita hahah cute eh *saka andun ung julielmo lol*

minsan nga mas okay pa ung mga story sa mga fanfic eh. sana kunin nilang writer ung mga nagsusulat ng fanfic kasi angagaling ng mga ideas nila. 🙂

sorry sa mga writers/creative team ng GMA7. ito’y pawang opinion ko lamang.
alam kong mahirap mag-isip ng bagong plot/story/idea. pero ito’y saloobin at paalala lamang bilang isang manonood. huwag damdamin. hehe peace!

😛

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s