memories

klepto-nite.

ano kaya ang nasa isip ng mga kleptomaniac? talaga bang di nila naiisip ung mga nagagawa nila? o alam nila un pero pinagwawalang bahala na lang nila kasi nga may excuse sila, may sakit kasi sila na kleptomania.

ano nga ba ang kleptomania? ayon sa wikipedia, (copypaste ko na lang ah, kasi pwede mo naman isearch pero hassle pa un db? kkk.)

Kleptomania (from Greek: κλέπτειν, kleptein, “to steal”, and μανία, “mania”) is an irresistible urge to steal items of trivial value. People with this disorder are compelled to steal things, generally, but not limited to, objects of little or no significant value, such as pens, paper clips, paper and tape. Some kleptomaniacs may not even be aware that they have committed the theft[dubious – discuss].
Kleptomania was first officially recognized in the US as a mental disorder in the 1960s[citation needed] in the case of State of California v. Douglas Jones.[citation needed]
Kleptomania is distinguished from shoplifting or ordinary theft, as shoplifters and thieves generally steal for monetary value, or associated gains and usually display intent or premeditation, while kleptomaniacs are not necessarily contemplating the value of the items they steal or even the theft until they are compelled without motive

alam nyo, madalas na kasi ako nakasaksi ng klepto eh.
kwento ko na lang ung nangyari nung highschool, 3rd year kami nun.
may bagong lipat sa klase namin, galing sya sa ibang section. nalipat sya kasi isa sya sa mga top dun sa section na yun. dahil ung tropa ko nun sobrang friendly, kinupkop sya ng grupo namin.sinasama namin sya pag recess, hindi namin ginagawang OP sa usapan madalas nga ako pa ung OP eh. lolssss

pero minsan, breaktime un sa hapon eh. lumabas ung mga tropa ko kasi bibili sila ng pagkain sa canteen. eh ako madalas nagpapaiwan talaga ako, sanay na sila sakin, kasi tamad ako lumabas madalas atsaka may binabasa ako na book nun sa pagkakatanda ko o kaya nagdodrawing. heheh. naiwan ako, saka ung bagong katropa lang namin. napansin ko sya, parang di sya mapakali, so akala ko kung ano lang, nitry ko magstart ng usap, kaso wala lang, parang wala talaga kami mapagusapan. tinuloy ko na lang tuloy kung ano ung ginagawa ko.

ilang saglit lang, napansin ko umupo sya dun sa upuan nung isa naming tropa. eh di hinayaan ko na lang, kasi baka gusto nya lang talaga umupo dun. nabigla na lang ako nung binuksan nya ung bag at kinalkal (naalala ko pa nga ung way ng pagkalkal nya nun sa bag eh, alam nyo kung pano maghukay ung aso??? ganun.) nagulat talaga ako. di ako makagalaw sa kinauupuan ko. kasi bakit nya un ginagawa?? hmm di ko naman sya mabawalan nun kasi baka nanghingi pala sya permiso dun sa mayari?? tapos nun lumipat din sya sa katabing upuan nun, dun sa upuan nung isa namin tropa. tapos ganun din ung ginawa nya. di na din ung napansin ng iba namin classmate kasi busy sila sa kwentuhan at iba pa nila ginagawa. di ko na lang sya tiningnan nun, tinuloy ko na lang ung ginagawa ko.

nung nakabalik na ung mga tropa ko, wala na din sya dun sa upuan nila. hindi ko alam kung ipapaalam ko ba sa kanila o magsawalangbahala na lang ako. kaso natakot din ako, kasi baka may nawala sa gamit nya, kailangan nya malaman kung sino ang gumawa. kaya binulungan ko sila habang di sya nakatingin. sabi ko “uyy, check nyo ung gamit nyo? kasi kanina nakita ko binuksan ni ****** ung bag nyo eh, saka tiningnan ung laman.”

dalidali naman silang nagcheck ng mga gamit nila. dun sa isa kong tropa wala naman nawala. pero ung isa… pagbukas nya ng wallet nya, wala na ung 500 peso bill nya dun. naiyak sya. ako naman di ko malaman ang gagawin ko. nanginginig ako. kasi kitangkita ko eh, pero di ko napigilan. kasalanan ko talaga.

ipinaalam agad nila sa adviser namin ung nangyari, nung ni-confront ung ‘klepto’ sa ginawa nya, umiyak sya. wala naman daw syang kinukuha. di nya naman daw pinakialaman ung gamit nila. pero kitangkita ko eh, di ako maaaring magkamali. hindi ko lang di imahinasyon yun. gang ngaun tandang tanda ko pa ung ginawa nya. pero pilit nya pa din tinatanggi ugn ginawa nya. wala daw syang kinukuha. umiyak sya. kitangkita ng buong klase kung paanong kawawa sya na pinagbibintangan ng nagnakaw.

ang sabi sakin nung nawalan, sayang, pambili nya pa naman ng regalo para sakin yun eh, dahil malapit na ung birthday ko nun. kaso ayun nga, nawala. di ako nanghihinayang dun sa regalo eh, nanghihinayang ako dun sa friendship sana namin nung bagong lipat. dahil lang sa pagiging klepto nya, dun sa nangyari, di na sya sinama sa tropa.

kasalanan ko ba? nagsasabi lang naman ako ng totoo. talagang nakita ko un. alam ko at alam din ni God ang katotohanan, kung sino ang nagsasabi ng totoo.

akala ko nga pagiisipan ako nung ng mga kaklase ko na baka ako talaga ung gumawa at sinisiraan ko lang sya. pero imposible. dahil 3yrs na din nila ako kasama at ni minsan wala man ang nanakawan. at napagalaman namin na dun sa pinanggalingan nya na section eh may record na din sya ng pagiging klepto. ilan na din daw ung nawalan sa section nila na un nung andun sya.

minsan talaga wala sa panlabas na kaanyuan ang tunay na kaugalian. tsktsk.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s