oh!life

insecurity.

the reason why i built these walls around me? it’s because of my fear of rejection. people around me will try to make me go outside my own world, then end up hurting me. i hate that feeling. they don’t know how it feels to be left alone in the end.

i never felt people liking me for who i really am. i always feel like they had no choice but to appreciate me a little or to be with my company… but they never really like me for who i am. that’s how insecure i am.

i’m a sort of perfectionist. (but not really- just sort of) i always try my best to show them my good side. it’s pathetic but i think i’m doing that for them to like me. i don’t really know if i’m originally nice or i’m just nice because i want people to see me as a nice person. i don’t know anymore.

i’m so confused with myself. and i don’t have anyone to tell these feelings honestly.

that’s why i’m writing it in this blog.

and i can’t even… haaay magtagalog na nga lang ako.

ang bigat sa kalooban. sobra, hindi alam ng mga tao na nakapaligid sa akin na ganito na pala ang tumatakbo sa isipan ko. sumasama ang loob ko, pinipilit ko ngumiti, pinipilit ko maging masaya.

ayokong magpakaplastic. naiinis ako sa fake. pero minsan hindi mo talaga maiiwasan na itago na lang ang totoo mong nararamdaman. hindi ko alam kung takot ba to o hiya. hindi ko maintindihan.

minsan bigla na lang ako naiiyak. pakiramdam ko talaga mag-isa ako.

hindi naman ako totally mag-isa. andyan ang pamilya at mga kaibigan ko na alam ko nagmamahal sakin.

pero minsan hindi ko talaga maiwasan maramdaman ang pag-iisa.

hindi naman ako pa-bida. pero minsan syempre gusto mo naman maramdaman na ikaw ang pinaka-special, na hindi ka option, na hindi ka 2nd choice. na ikaw yung priority.

alam ko masama maiinggit, masama ang magselos. isa yun sa mga mortal na kasalanan.

pero hindi mo to maiwasan maramdaman eh. hindi mo mapigilan.

gusto mo mag-isip ng masasayang bagay at balewalain na lang ang nararamdaman mo pero hindi mo pa din tuluyan magawa.

naiinis ako sa sarili ko. minsan gusto ko na lang mawala. hahanapin kaya nila ako?

bigla ko naman maiisip ang pamilya ko. alam ko malulungkot sila, ayaw kong malungkot sila. pero naiisip ko din na saglit lang naman yung lungkot nila na yun e. mahihimasmasan din sila. kung sakaling mawala ako…

pero ayaw ko. hindi ko kaya… gusto ko pa mabuhay. gusto ko magpakatatag.

kahit siguro ako na lang ang nakakaappreciate sa sarili ko.. kailangan kayanin ko.

alam ko si God naappreciate nya ko. dalawa na kami nakakaappreciate sa sarili ko.

sinusubukan nya lang ako kung kaya ko to. kaya kakayanin ko.

para na kong baliw neto.. pero at least gumaan ang pakiramdam ko kahit paano…

fighting! 🙂

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s