Aldub

one-sided. lopsided.

opo! opo! excuse me po! mag-rarant na naman ako. alisin ko lang tong mga natatambak na opinion sa isip ko…

lol nawiwili ako sa pagbabasa ng mga tweets sa hashtag ng aldub. dun kasi ako naa-update sa mga kaganapan e hihi ewan ko ba sobrang fan na ako na kailangan alam ko na ang latest about sa kanila. kagaya na lang din ng pagiging adik ko sa mga k-pop idols before. (actually hanggang ngayon naman eh gusto ko pa din shinhwa kaso medyo busy lang talaga ako sa aldub XD)

masaya magbasa ng ibaiba comments & reactions ng mga fans sa twitter. may sobrang kilig hindi na nakapagtype ng maayos, mayroon mga hugot lines, mayroon nakakatawang lines, mayroon beast mode. kaso minsan may naliligaw na tweets na nakakainis e.

yung mga tweets na nakakainis eh yung mga pang-gulo, ewan ko kung mga totoong fans ba sila, masyado kung makapagsalita hmmmmf. well, di naman ata nawawala sa fandom yun e. kahit san fandom ako mapunta may mga ganun klaseng fans akong napapansin. sa yongseo din before gumawa pa ako ng message para sa kanila sa sobrang inis ko.

to those ‘i want yonghwa for myself’ fans

to those ‘seohyun is forever innocent maknae’ fans

yun ung mga fans na nega. as in napakapait nila. nag-almusal ata sila ng nega vibes, at pilit na dinadamay ang iba.

hmm anong klaseng pag-kanega? well well well, sila tong mga one-sided fans. fans sila either ni Alden or Maine lang. isa lang sa kanila ung sinusuportahan nila, hindi parehas. nakakabadtrip.

hindi ko kasi maintindihan eh. kung ayaw nila kay Alden or Maine, wag na sila gumamit ng hashtag ng aldub sa mga tweets nila para silasila na lang nakakabasa. mga papansin masyado. nakakabwisit.

feeling nila kilalangkilala nila ung dalawa kung makapagsalita, kung makapag-assume.

kesyo naiinis yung mga fans ni maine kay alden dahil magaling lang daw to umarte, hindi daw sincere sa pinapakita, at gusto nila ipartner si maine sa kung sinosinong mga lalaki na nagtutweet na gusto nila si maine. asgfdgasgsj na hindi ko naman din maintindihan kung totoong gusto nga si maine or gusto lang sumikat. hmmmf.

ine-encourage pa un mga lalaki nagtutweet kay maine ng mga sweet messages tapos sasabihin pa mas gusto nila yun kesa kay alden. natanong nyo na ba si maine kung yun nga yung gusto nya? nakakaloka. sa pagkaka-alala ko ahhh sa kabila ung ‘twitterserye’ kuno, or ung panliligaw e dinadaan sa tweets, ayaw ni lola nidora ng ganyan! naliligaw ata yung mga lalaki na yun at akala e naghahanap din si yaya dub ng mr.dub nya o yayo dub kaya panay papansin nila sa twitter. hmmm, wala naman masama sa pagtutweet ng admiration mo or pagkagusto kay maine kaso lang sumosobra na yung iba! di na ako magbabanggit ng names pero nagkalat sila sa twitter hanapin nyo na lang XD and i’m not talking about celebrities na open sa pagsasabi may crush sila kay maine, i’m talking about feeling celebrities hallerrr!! sorry ah, don’t wanna offend anyone pero this is my opinion. eto ang saloobin ko gusto ko lang ilabas dahil walang paglagyan. nakakainish kashe eh ako yung napipikon sa kanila. hahahhah kakaloka talaga hayyy

eto pa ung mga fans lang dn ni alden. hindi ko din maintindihan bakit ayaw nila ipartner si alden kay maine? gusto nila sa kanila ipartner ganun? o cge try nila mag-artista para ipartner sa kanila si alden. gusto nila yan e. sisikat ba sila kagaya ng sa aldub. i doubt it. sumikat si alden at maine dahil din sa isa’t isa.nagustuhan sila ng tao dahil sila ang magkapartner. kaya nga feel nila ung theme song nila na ‘God gave me you’ db? kasi pakiramdam nila blessing yung pagdating nila sa buhay ng isa’t isa.

Aldub is not just a love team. They are the ‘loved’ team. Minahal sila ng mga manunuod. Hindi sila pinilit pagsamahin. Natural na nakitaan sila ng malakas ng chemistry.

hmmm mahirap kasi mag-assume, mahirap pinapangunahan ang mga bagaybagay.

dapat ienjoy lang ang mga nangyayari sa paligid.

dun sa mga nega na fans ni alden lang or ni maine at ayaw nila sa aldub, wala kayong karapatan kiligin sa mga scenes nila ahh! wag na kayo manuod ng kalyeserye! hmmmp!

*freeze*

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s