Aldub · EYECANDY♥

a day before christmas

wow. christmas na pala bukas. pero heto ako busy pa din kaka-fangirling sa aldub. ngaun lang ako sobrang na-hook sa local celebrities ng ganto. i have favorite local celebrities before pero hindi ganto kagrabe. feeling ko yung pagka-hook ko sa aldub kaparehas kung paano ako na-adik sa fav taiwanese & korean celebrities ko. as in kung pano ako nag-fangirl sa yongseo or shinhwa, ganun din ako sa aldub ngaun.

CWpxXYVVAAACux7

magic of aldub? must be. parang nasa kanila na kasi lahat ng hahanapin mo sa iidolohin mong artista e.

syempre unang-una yung looks. masarap silang panoorin kasi gwapo si alden tapos maganda si maine. yung beauty ni maine hindi sya nakakasawa e, habang tinititigan mo sya, lalo sya gumaganda. marami din akong nababasa na mga fan accounts na nagsasabi mas higit pa sya maganda sa personal. kumbaga, maganda na sya sa TV, pero ibang-iba lalo yung ganda nya in person. kaya di din ako magtataka bakit lagi sya pinagkakaguluhan kahit saan sya magpunta, as in dumog. same with alden, lagi sya pinangigigilan ng fans saan sya magpunta. kahit solo nya yung show, ung crowd naman e mas higit pa sa crowd ng pinagsamasamang ibang artista (it’s a fact, truth hurts lol) tapos kahit ano gawin expression ng aldub sa mukha nila nakakatuwa pa din sila tingnan hahah. aliw lang eh.

yung personality nila parehas. mabait, humble, God-fearing, family-oriented, honest. parehas din silang matalino. pag pinapanuod ko yung mga interviews nila natutuwa ako, parehas silang articulate. mapa-tagalog o english, mahuhusay sila sumagot. alam mong hindi puro hangin ang utak (ehem ehem may kilala kasi ako na angulogulo sumagot. puro you know saka super yung alam sabihin. natapos yung interview na naka20 beses na banggit ata sya sa salitang super. hahah. peace yo)

talented din sila parehas. sa acting wala ako masabi, magaling talaga sila. si alden alam naman na lahat acting talaga ang craft nya at napakahusay nya. si maine naman kahit walang workshop kaya nya na makipagsabayan sa magagaling na artista (again, may kilala din ako artista na naka-ilan workshop na ata e hindi pa din nagiimprove ang acting XD hay. workshop pa more. haha ansalbahe ko noh di ko maiwasan magcompare, well kasi naman e … XD peace yo) sa pagkanta at pagsayaw naman, hindi man sila ang pinakamagaling, pero alam mo na nakakakanta sila at nakakasayaw ng maayos. hindi sila masakit sa mata panuorin kumanta at sumayaw. .you should search more vids of them dancing & singing nakaka-entertain sila. pramis. kay alden un vid nya na sumasayaw sya ng twerk it like miley tapos syempre ung perf ni maine sa bulaga pa more finals heheh

CUF28oJVAAAtPZN.jpg

pero ang pinakanagustuhan ko ata sa kanila, na kaya ako na-hook sa kanila gaya sa mga fav kong k-pop idols e yung parehas silang makulit. hahaha. parehas silang nakakatawa. yung napapasabi ako ng ‘abnormal’ at ‘puro sila kalokohan’ in a good sense naman. hahaha ganun kasi ako pag pinapanuod ko yung shinhwa at suju, ung lagi nalang ako natatawa sa pinagagagawa nila XD si maine feeling ko, una sya celebrity dito sa pinas na may pagka -4D. na nagustuhan ko sa mga korean celebs like heechul, eric.. hahah (or di ko lang talaga masyado kilala un iba pang local celebs lol) kasi ung mga ideas nya kakaiba e, nakakaaliw talaga sya. ung mga updates nya sa snapchat saka twitter, sobrang funny sya. si alden din, lalo nung naging ka-loveteam nya si maine, lumabas un pagiging makulit nya talaga. kahit corny ung binibitiwan nyang joke natatawa ako sa kanya. siguro kasi nakakatawa un pagiging corny nya lol

ayun, kaya di talaga malabo magustuhan sila ng mga fans gaya ko.

at excited na ako at buong family ko na manood ng ‘My Bebe Love: #Kiligpamore’ bukas!! ngayon lang kami manonood buong family talaga ng entry sa MMFF, usually kasi ako lang talaga yung nanunuod kasama ng friends ko. pero ngayon mas excited pa sila nanay na manood haha. pero syempre sobrang excited din ako hihihh. gusto ko lang kiligin at matawa bukas. sana talaga makabili ako agad ng tickets. kasi for sure, susugod ang aldub nation sa sinehan, at pihado pagkahabahaba ng pila.

pero syempre sisimba muna kami bago magpunta sa sinehan 🙂 be thankful kay God at sa blessings na natanggap at matatanggap pa. kahit maraming trials na dumating, thankful pa din at nalalagpasan yun. praying for another fun year this coming 2016. at sana magkatuluyan talaga si alden at maine! hahahahah siningit pa talaga yun XD

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s