Uncategorized

re:

hindi naman ako talaga gumagawa ng new year’s resolution. alam ko naman kasi na di ko yun matutupad. pero dahil nga mag 2016, gusto ko itry gumawa ng list ng resolutions saka wish list na din. atsaka di din ako marunong gumawa nun. hahaha. ililista mo lang naman ung mga bagay na gusto mo baguhin o gusto mo gawin tama ba?

2016 New Year’s Resolution:

  1. Magpapayat. – #1 talaga sa list ko to. kailangan ko ng magpapayat. hindi na kumakasya yun mga gusto kong damit sakin. ayaw ko na din tuloy nagseselfie ngayon kasi ang laki ng pisngi ko -_- wala naman masama sa pagiging mataba or medyo chubby, kaya lang hindi bagay sakin e. T-T ansarap pa naman kumain haaay saka nakakatamad mag-exercise. kahit pagsayaw ngayon kinatatamaran ko na. tamad na ko dati mas naging tamad pa ako ngaun. gusto ko na lang manood maghapon ng mga fav kalyeserye eps ko o kaya magbasa sa wattpad ng aldub fanfics hahaha. adik much.
  2. Magtipid. – pinakagrabe ata yung gastos ko netong 2015. andaming lakad kasama ng mga friends, mga photobooks & dvds ng shinhwa na binili ko pa online. pagkain,pagkain,pagkain. madami din ako binili bagong damit. nakadagdag pa yun pagkaadik ko sa aldub, at hindi ko pinalagpas pati magazines na sila ang cover ay binibili ko.paano ako makakaipon neto pangpuntang korea? haaays.
  3. Iwasan ang laging late at absent. – nilagay ko ‘iwasan’. hindi ko sinabi na hindi na ako magiging late at absent. kasi imposible yun eh. nasa sistema ko na ata ang pagiging late palagi. hindi maganda yun pero ganun na kasi nakagawian ko. kaya nga gusto ko na yun baguhin ng unti-unti. itry ko talaga gumising ng mas maaga at medyo bilisan ang kilos. sa pagiging absent naman…. hmmm depende kung may mga biglaan lakad. pero basta iiwasan ko na yung madalas. hehe.
  4. Baguhin ang style ng pananamit. – tama ba? kasama ba to sa list ng new year’s resolution? hahahahaha pero ayun kasi ang balak ko. actually medyo binabago ko na sya ngayon e, iwas iwas na sa japorms na medyo hiphop na porma. lol masyado daw ako boyish pumorma. yung closet ko more on polo shirt sa maluluwag na blouse tapos jeans ko medyo maluluwag dn. ako kasi more on comfort over style. pero narealize ko pwede ka din naman pumorma na may style pero comfortable pa din. mag-invest na din ako sa dress (pero hindi pa din ung maiikli ah yung sakto lang) nakaka 2 na ko. hahahaha funny. kasi nung bata ako puro dress lang yung mga panglakad ko e. nung tumanda ako wala talaga ako kahit ni-isa dress. last year lang ako bumili nung nag-anak ako ng binyag ng asst.admin namin. tapos ikalawang kong bili yung last week kasi nagustuhan ko yung style. hindi sya dress na dress lol. swear di ako tomboy. mejo boyish lang. hahahah

Ayun.. Ayan na lang muna siguro. wala pa ako maisip na idagdag. anyways, last day na ng 2015. magbago na sana ako this coming 2016. Hihih

 

Happy holidays! 😊🎉

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s