Aldub · kurokurokuroro · umeepal lang

2016 na, rant pa din.

haha parang feel ko uli gumawa ng rant about sa mga one-sided fans. di kasi sila matahitahimik eh.

nagkalat na naman kasi sila sa twitter, gusto ko man i-apply ung sinasabi ni meng na ‘kebs lang!’ kaso syempre nakakapikon talaga sila.

eto lang naman ang iniisip ko dahilan jan e.

para sa mga fans ni alden na ayaw kay maine:

  • gusto nila sila mismo ang ipartner kay alden. (girl, dream on! try mo kaya magdubsmash tapos baka kunin ka ng eat bulaga at isama sa juan for all tapos baka pag nalaman nila fan ka ni alden, ipakita din sya sa screen habang nagdadubsmash ka tapos ma-out of character ka din.. pero hindi ka din siguro mamahalin ng manonood kagaya ng pagmamahal kay yaya dub. eh de sana matagal ka na artista. pero patweet tweet ka lang ng sama ng loob mo. jan ka na lang.)
  • may iba sila gusto para kay alden. (fans sila ng mga naunang love team ni alden, at hindi nila matanggap na may iba na partner si alden ngayon at sobrang sikat na sya. humahanap pa rin sila ng paraan para i-connect si alden sa mga dati nya nakapareha kahit magpakadelusional sila at umimbento ng kwento. pilit pa rin sila gagawa ng usap para mapansin.)
  • di nila matanggap na totoong tao si maine at pilit nila hinahanapan ng mali. – (dahil hindi showbiz na tao si maine, may mga kilos sya na namimisinterpret ng ibang tao. at pilit nila yun papalakihin at gagawing issue. )
  • HINDI SILA MASAYA SA BUHAY NILA.

para naman sa mga fans ni maine na ayaw kay alden:

  • may iba sila gusto para kay maine. – (lahat na lang ata ng magpapicture o magsabi na crush nila si maine gusto nila ipartner kay maine, basta wag lang si alden. pero hindi naman sa bias ahh lol pero sa tingin ko si alden lang ang deserving na makapartner ni maine, at buti na lang sya ang napunta sa eat bulaga at crush din sya ni maine)
  • hindi nila matanggap na totoo ang pinapakita ni alden. – (lagi kasing kinukumpara sa ibang artista, laging pinag-iisipan ng masama, hindi nila matanggap na totoong mabait na tao si alden. iniisip na gaya sya ng ibang artista na nagpapakaplastic. sabihin na natin may mga instances na nagpapakaplastic si alden, pero dahil iyon sa ayaw nya makasakit ng kapwa XD *napag-usapan namin ng nanay ko to eh, sa mga past interviews ni alden, nung si heart ang nag-interview sa kanya tinanong sya kung sino gusto nya maka-trabaho sabi nya si heart, nung si alessandra naman ang nag-interview si alessandra naman sagot nya xD natatawa lang kami ni nanay sa sobrang bait ni alden hahah*
  • mataas ang expectations nila. – (pag may hindi lang nagawa si alden na gusto nilang gawin nya, disappointed na agad sila, ginagawa nila kumplikado ang buhay)
  • HINDI SILA MASAYA SA BUHAY NILA.

 

eto lang yan eh. meron inggit sa mga puso nila. 2016 na pwede bang alisin nyo na lang yun? kung hindi nyo gusto ang nakikita at napapanood nyo, pwede bang wag na lang kayo manood at ibaling ang atensyon sa ibang bagay? eto ay pawang paninita at payo lamang.

masaya ang aldub ation para kay alden at maine. nakikita din na masaya sila kasama ang isa’t isa. hindi man sila sa ngayon, mas mabuti na maging mabuting magkaibigan sila. pero naniniwala talaga ako na nakatadhana sila para sa isa’t isa. hahahah ayaw ko man ma-hopia, masakit sa puso ang mag-ship ng walang kasiguraduhan. pero masaya ako sa kung ano man meron sila.

aldub ftw! ❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s