Aldub · chusaness

to gmaac

to: GMA Artist Center

ang problema po dito ay hindi ang paglabas monday to sunday ni Alden sa TV. sisihin daw ba na araw-araw sya nakikita sa Eat Bulaga, when in fact, dahil sa Eat Bulaga kaya sya naging popular at in-demand these days. ang totoong problema po dito ay ang pagbibigay nyo ng napakadaming mall shows at provincial tours kay alden sa iba’t ibang lugar sa pilipinas kasabay ng mga endorsement shoots at photoshoot para sa mga magazine covers. mas nakakapagod po magbyahe. hindi naman po kasi kayo siguro sumasama personal kay alden sa mga gigs nya kaya hindi nyo nararanasan ang pagod sa kakabyahe paglipatlipat sa ibang lugar. Sinasabi nyo rin na si Alden ang may kagustuhan na tumanggap ng tumanggap ng mga raket na ito. pero kung tutuusin, dumadaan muna ito sa inyo bago makarating sa kanya. may control naman po kayo regarding sa schedule nya. pwede naman po one at a time e. hindi ung sa loob ng isang araw 3 lugar ata un pupuntahan nya. kahit naman sabihin natin nakakatulog pa rin sya ng 6-8 hours pero yung byahe sa buong araw mas nakakapagod po yun.

madalas din nasasacrifice yung time nya sa Eat Bulaga dahil lang sa mga gigs nya. Hindi nyo ba nakikita ang saya nya kapag nasa eat bulaga sya?

ako, i admit i’m not a fan of Alden Richards before. Pero nung napanuod ko sya sa EB especially nakita ko yung chemistry nya with Maine, sobrang nagustuhan ko po sila.

nakakalungkot kasi base dun sa interview ng head ng gmaac na parang ang eb pa ang may kasalanan kung bakit overworked si alden :/ eh makikita naman po natin na sa EB hanggat maaari binibigyan nila ng time si alden para makapagpahinga, kahit minsan maapektuhan pa yung dapat story ng kalyeserye nung time na yun.

sana po maayos na ang sched nya at mabigyan ng time para makapagpahinga.

dahil sobrang busy nya di nya rin maasikaso dumalaw sa bulacan para formal nya na maligawan si maine, eto po talaga ang main concern ko dito e… chos! heheh 😀 #jokeperototoongverylighthihih

ayun lang powhz. thank youwhz.

-pakialamerang fan. =P

Advertisements

2 thoughts on “to gmaac

    1. haha db? sobra sila kay alden. lagi sinasabi gusto naman kasi ni alden madami sya raket, pero sa totoo lang sobrang bait lang talaga nung bata kaya di sya makatanggi sa mga binibigay sa kanyang trabaho. tsk tsk gusto nila na magkatuluyan na un 2 pero di naman nila binibigyan ng time para magkasama sila dahil ginagawa nilang sobrang busy si alden haaaay hehehe 😀

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s