Aldub · chusaness · kurokurokuroro · umeepal lang

again and again and again..

hmmm etong post na to ay about sa different topics or rumors surrounding ALDUB 🙂

disclaimer: eto po ay pawang opinyon ko lamang at base sa mga nababasa ko or napapanuod ko. kung ako po ay nakaka-offend, pagpasensyahan na po.

pagpaumanhin.

dahil ako ay dakilang tambay sa twitter at instagram, iba-ibang opinion ang nababasa ko. at eto ay nananatili sa isip ko. pero minsan kapag di ko talaga matiis nagtutweet talaga ako o kaya napapacomment sa ig. pero gat maaari talaga ayaw ko magcomment e. kaso minsan talaga nakakapikon. hahahahahh

once and for all hahahh magsasalita ako, hindi bilang malapit sa kanila (dahil hindi naman ako malapit sa kanila hahahah), kundi bilang isang dakilang fan na mapagmasid:

rumors about…

Alden/Patricia:

eto e, isa sa mga issue na hindi mamataymatay. pilit ng mga nagpapakalat neto na si Patricia (one of EB co-hosts)  daw talaga ang girlfriend or di kaya ang type talaga ni Alden. at kung anoanong kwento ang sinasabi nila na galing daw sa isang staff ng eb or basta reliable source pero ayaw naman nila pangalanan. please lang. sinasabi ko sa inyo, imo, hindi ito totoo at napaka-imposibleng mangyari. unang-una sa lahat, ang tingin ko sa EB kahit pa nasa showbiz sila ay hindi sila totally pa-showbiz. sa tingin nyo ba tutuksuhin ng dabarkads sila alden at maine kung may iba gf si alden at kasamahan pa nila? ang tanga lang db? kaya ang masasabi ko sa nagpapakalat at nagpipilit neto,,. ang tanga nyo po. di po ako maniniwala sa sinasabi nyo unless sila ang magconfirm. and hello? bakit nagpapakabreezy si sam kay patring kung may iba bf si patring db? awkward si alden at patring at hindi sila pwede magkatabi? alam nyo po kung bakit? dahil sa inyo. dahil mapaggawa kayo ng issue na dapat wala naman. awkward sila dahil kasalanan nyo. hindi kayo matahimik. hhhmp.

may nabasa ako na bakit daw nung tumatakbo si alden sa isa sa mga challenges ni lola sinabi daw ni joey na ilabas si patricia para ganahan. duh? sinabi yun ni joey dahil ayun ang effect kay joey ng performance ni patricia, na bilang lalaki ay parang nagising sya ganoin. at dahil lalaki din si alden, yun siguro ang naisip ni joey. pero hindi dahil gusto ni alden si patricia off-cam. well, hindi ko naman talaga alam kung sino ang gusto nila offcam e, pero ayon sa kutob ko, sincere naman ang pinapakita ni alden kay maine. tapos.

tapos tawag daw ni alden kay patricia babe? hello? maglinis po kayo ng tenga nyo po. ang linaw ng tawag nya. ‘P’ po yun, short for patricia. eto naman kasi si alden pwede naman patring din ang itawag. namimisinterpret ka tuloy. XD

basta ako feel ko talaga si maine ang gusto ni alden hahahaha (delusional na ang dating pero eto ang opinion ko at wala kayong pake. hahahah)

Maine/Kim Last:

isa pa to, lahat na lang ni-link enoh. porke lang nakasama nya sa party at may pics sila, si kim na talaga ang bf ni maine? pwede ba. lahat na lang madikit kay maine at alden inissue nyo sa kanila. matatahimik lang siguro kayo pag totoo na naging si maine at alden e.

tapos sinasabi pa na kinikilig daw si maine nung nagsasalita si kim sa ‘dancing in tandem’. pwebe ba? natutuwa sya dahil sa accent ni kim. kasi nga ang ganda pakinggan pag nag-ienglish si kim kasi may accent eh. maka-issue kayo eh. at saka kung ako naman si maine titingin pa ba ko sa iba kung may ‘alden richards’ na pumoporma? hahahah 😀 eh si alden nga ang ultimate bae. walang sinabi yun iba. (sorry kim, pogi ka naman pero alden richards talaga hahahah)

Alden/Julie:

etong issue na niluma na ng panahon pilit pa rin hinuhukay. di ko alam kung bakit. dahil magkasama sila sa sps? eh ano? nagtatrabaho lang naman sila dun. malapit lang ng konti bagong issue agad. ang awkward nga nila oh. di na mabalik yung dating closeness nila. at kasalanan to ng mga fans. kasi nga mapagbigay kayo ng kulay. di na lang kayo matahimik. di pa kayo makuntento na okay na sila magkatrabaho. gusto nyo ibalik yung dati. throwback kayo ng throwback.

pano pa ibabalik yun e may maine na si alden. 😛

 

hmmm eto na lang muna. nakalimutan ko na yun iba e pero madami pa akong gusto sabihin. hahahah 😀

basta etong lahat ng sinabi ko ay pawang opinion ko lamang.

sorry to offend anyone.

fan lang din ako at wala naman magagawa kahit eto ang opinion ko.

peace yo. 😛

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s