Aldub · chusaness · EYECANDY♥ · umeepal lang · Variety Shows

open letter

dear ate na nagpost ng open letter sa ig para kay richard faulkerson jr or mas kilala sa tawag na alden richards,

(sorry nakalimutan ko kasi ang username mo, nakita ko lang sa tag na aldub sa ig yung mahabang sulat mo, at ayaw ko ng balikan kasi hassle pa.)

ok, dito ko sumulat kasi ayaw ko magpost sa ig ko ng open letter kasi nakaprivate ako at hassle pa gumawa ng account. gustong gusto ko magcomment dun sa post mo para sagutin yung mga sinulat mo dun pero sabi mo nga bawal magcomment dun.

alam mo ate, isa din ako sa mga na-disappoint sa nangyari nung valentine’s day. kasi umasa din ako na icelebrate nila yung araw na yun na magkasama. pero sa paglipas ng oras naman ay nahimasmasan naman ako at naisip ko na lang ang saya na naidudulot sakin ng aldub so kebs na lang sa issues nung vday. napagisipisip ko din yung mga bagay na bumagabag sa aldub fans kakabasa sa twitter and i’m glad i’m following the right people on twitter at mauunawaan mo talaga ang mga pangyayari sa paligid dahil sa kanila.

sila yung mga aldub/maichard fans na sobra ang suporta sa kanila pero hindi sila nabubulag sa ilusyon. kumbaga accept the reality, ganoin.

ate, nasaktan ka kasi kasama ni alden si louise nung sunday db sa birthday ng PA ni alden na si mama ten. sinasabi mo na special someone ni alden si louise delos reyes? ate, sa pagkakaalam ko, base sa nababasa ko, may boyfriend po si louise. respeto naman sa boyfriend ni louise, respeto din kay louise at respeto na din kay alden. pinagiisipan nyo sila ng masama at kayo na rin mismo ang sumisira sa kanila, naturingan pa naman kayong fan.

ate, nalulungkot ka kasi sinasabi mo na binigyan ng flowers ni alden si louise, at bakit si joyce na kasama rin nya sa party ay hindi binigyan. ate, kung totoo man po ito ay wala po akong nakikitang masama doon. maaaring binigyan ng flowers si louise dahil dati syang ka-loveteam ni alden. masyado pong mababaw ang pinaguugatan ng himutok mo.

ate, nagrereklamo ka kasi bakit tinapat na valentine’s day yung birthday celebration ni mama ten pwede naman sa ibang araw? malamang ate sunday gaganapin yun kasi yun ang mismong araw ng birthday nya. atsaka natapat na walang schedule for work si alden nun so malamang talaga icecelebrate nila ng araw na yun.

ate, nagagalit ka sa mga aldenatics dahil sa mga pinopost nilang pics at videos nung party sa twitter at ig. pero ate di mo ba naisip na matagal na nila yun ginagawa wala pa man ang aldub? so syempre karapatan nila na magpost at ishare yung kung ano ang gusto nila ishare. ikaw lang naman ang nakikitingin sa pinopost nila e. pwede mo naman wag na lang pansinin. well, may mali naman din siguro dito ang aldenatics dahil sobrang sikat na ngayon ni alden kaya bawat kilos nya at ng mga taong malalapit sa kanya ay pwedeng pag-isipan ng masama so sana konting ingat lang sa mga pinopost 🙂

ate, naiinis ka kasi umasa ka sa valentines date ng aldub dahil dun sa tweet ni alden saka sa sinabi sa sunday pinasaya? ate, kasalanan mo na yun kasi umasa ka. well, pareparehas naman tayong umasa, pero hindi ito sapat para akusahan mo si alden ng kung anoano dahil umasa ka.

kung si maine nga naiintindihan nya si alden, so ate wala kang karapatan na magalit sa kanila.

(hmm, well, may kasalanan din naman kasi talaga ang sunday pinasaya saka si jerald napoles XD dahil sa panglalaglag kunwari nila kay alden for the sake of the show, pero kung tutuusin wala naman sinabi si alden nun mag-date nga sila ni maine nung araw na yun. may kinonfirm ba sya? wala so wala kang karapatan na akusahan sya na nagsinungaling sya. magalit ka sa sunday pinasaya at jerald.. XD joke lang po! heheh :P)

kaya ate, bago ka maglabas ng hinanaing mo about sa kanila, mas mabuti magmasidmasid ka muna sa paligid, magbasabasa at baka mahimasmasan ka. kagaya mo din ako na na-hopia, nag-assume, na-disappoint pero nakapagisipisip at minabuting isipin na lang yung magagandang bagay na naidudulot ng pagsuporta sa kanila kesa magfocus sa nega.

kung palagi mong iisipin yung mga nega, ikaw din naman ang mag-suffer eh, sila masaya sila samantalang ikaw nagmumokmok ka jan at galit na galit ka sa mundo.

wag ka magdepende sa kung ano ang nakikita at nababasa mo sa social media or napapanood natin sa kalyeserye para sa opinion natin about sa kanila. sabi nga nila, hindi naman natin alam kung ano ang tunay na nangyayari sa likod ng camera. kaya mas mabuti pa na i-enjoy na lang kung ano ang napapanood.

wag ka din masyado mapagpost ng saloobin mong alam mo naman marami ang maaapektuhan, pag nabasa nila yung sentiments mo about sa aldub, mapapaisip na din sila ng masama about sa kanila.

hindi din kita masisisi ate kung nagseselos ka at nadidisappoint kasi natural lang sa fan na ang gusto mo lang magkatuluyan eh ang mga idolo mo. pero ate, bata pa ang aldub/maichard, 7 months pa lang ang tambalan nila, mahabahaba pa ang pagsasamahan nila at malayo pa ang lalakbayin. wag mo namang ipilit na lagi sila dapat magkasama kasi baka magsawa sila nyan sa isa’tisa. ayos na yung nagkakasama sila paminsanminsan at sa tuwing magkasama naman sila palagi silang masaya 🙂

ayun lang.. ang haba na naman ng sinabi ko. 😛

ako madami din akong reklamo, saloobin, nilalabas ko sa twitter, pero pagtagaltagal naiisip ko na lang din yung masasaya. wag na lang pansinin yung mga nega talaga.

EAT BULAGA November 19 2015 KalyeSerye.mp4_002645419^dapat maging kagaya tayo ni lola tidora sa pagiging fan ng aldub na laging masaya at kinikilig. hindi kagaya ni lola nidora na lagi nga sila pinapanood kaso panay naman may reklamo hehe lola joke lang! joke lang po! XD

Advertisements

2 thoughts on “open letter

  1. totally agree! i hope i could share your thoughts. nakakarefresh kase puro negative nababasa ko sa iba. at iyong sayo lang ang may sense talaga. ung iba kase mema lang. kudos!

    1. yay! *kilig naman* haha thank you! 🙂 ok lang po ishare, sana nga marami makabasa para matauhan yung iba. puro nega kasi pinapairal nila e 🙂 di na lang sila pasalamat sa saya na nadudulot sa panunuod ng aldub at kalyeserye. hihih kahit humohopia naman ako sa maichard pero sana wag naman pangunahan yung dalawa dun din naman sila patungo hahah

      thanks uli! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s