Aldub · EYECANDY♥ · umeepal lang · Variety Shows

issues pa more.

mahaba na naman to. andami ko na naman kasi gusto sabihin. hahahah

nako di na matapostapos ang mga issue. at eto naman mga tabloid reporters tuwangtuwa kasi nakakuha sila ng scoop na maibabalita. kahit hindi naman nila alam kung totoo yung nakalap nila o gawagawa lang. hearsay hearsay, reliable source kuno. if i know, nabasa nyo lang din yun sa social media dun sa mga accounts na mahilig mag-imbento.tapos tuwang tuwa din syempre yung mga fans ng brand x (kabilang channel), kasi nagkakagulo ang aldub nation. eto naman kasing ibang fans e, sobra sa pagkafunnywalain. konting mabasa lang na nega, akala nila totoo na yun. kung fans kayong totoo, bakit ayaw nyo maniwala sa sinasabi ng idol nyo at ng mga taong malalapit sa kanila?

may lumabas kasi na blind item sa tabloid e, very obvious naman na si alden at maine ang pinatutungkulan based sa description, ginawa pang blind item e manong pinangalanan na enoh masyadong giveaway e. ayon umano sa “reliable source”, eh pang oncam lang talaga ang aldub, at si maine daw e nagpapaligaw kay derrick monasterio at nag-date sila sa subic nung valentine’s day. sinasabi pa na pag kausap daw ni maine si alden sa phone, after nya ibaba yun phone eh kung anoano daw lait ang sinasabi neto kay alden. ayan ha pinangalanan ko na. pero ang masasabi ko hindi ako naniniwala sa issue na to. makapanira lang enoh?

hindi ako naniniwala kasi para sa akin, matatalinong bata sila alden at maine. at hindi sila gagawa ng bagay na alam nilang makakasira sa image nila, or makakasakit sa mga fans nila. alam naman nating lahat na sobra ang pasasalamat ng dalawa sa aldub nation. kaya yung mga ikikilos nila syempre isasaalang alang nila yung mararamdaman ng mga fans.

tanga ba si maine para magpaligaw sa iba sa ngayon eh alam naman nya na para sa mga fans si alden lang ang gusto nila makatuluyan nya? tanga rin ba si alden na manligaw ng iba gayong alam nya na sobrang madidisappoint ang fans kung hindi si maine ang gusto nya?

sabihin na natin hindi pa sila talaga sa ngayon, pero aware naman sila na dun na rin siguro sila papunta, kaya ang ginagawa nila ay kinikilala nila mabuti ang isa’t isa. matatalino sila dahil hindi sila basta papasok sa isang relasyon ng alam nilang hindi pa sila handa. sinusulit nila ang mga panahon bilang malapit na magkaibigan. ewan ko ba kasi sa mga fans bakit minamadali sila samantalang ang babata pa nung dalawa. well i admit, isa ako sa mga humohopia na maging sila na pero sana wag nilang madaliin kung hindi pa talaga sigurado. natutuwa lang ako na sa ngayon e sobrang close na sila at sobrang sweet. 🙂

dun sa mga tabloid reporters na kung magsulat ay akala mo naman kilalang kilala nila si alden at maine, business is business talaga enoh? pag kasi magaganda mga sinusulat, boring na daw, hindi masyado binibili ang mga dyaryo nyo, kaya makasagap lang ng pwedeng ikasira nung mga sikat eh ambibilis kung isulat nyo. sana naiisip nyo na walang nagtatagumpay sa mga taong nang-aapak o nananakit ng ibang tao. maaari naman magtrabaho ng walang nasasaktan na ibang tao. may iba ako nababasa na report sa tabloid na nakakapagsulat sila ng magaganda article about sa artista na hindi nila kinakailangan na siraan eto. ano? nabayaran kasi kayo? tandaan nyo, yang kinita nyo na yan, ang aanihin nyo lamang dyan ay karma bandang huli. 🙂

hindi ko man din kilala sa personal si alden at maine, pero nagbabase ako sa mga magaganda nababasa at napapanuod ko about sa kanila. lahat ata ng mga nakatrabaho at nakasalamuha nila puro magaganda lang ang sinasabi about sa kanila. so bakit maniniwala dun sa mga masasamang sinasabi ng mga hindi naman nila minsan nakasama pa db? *ehem cristy fermin, alex brosas, jobert sucaldito, gorgy rula, etc etc etc ehem ehem*

sabi nga ni maine at alden. support what you love and be happy! kebs lang sa nega! 🙂

ps.

hi derrick. a little piece of advice lang. please stop posting cryptic messages kung alam mo naman na nasa kalagitnaan ng issue kayo ni maine. kasi kahit hindi naman patungkol kay maine ang post mo, pilit yun ikokonek ng mga nega kay maine, dagdag na naman sa issue. mas mabuti pa na wag na lang magpost ng ganun. or linawin mo na hindi mo naman pinopormahan si maine at may gf ka na iba. para sa ikatatahimik ng lahat. ok? hehe wala lang. kakabasa ko kasi ng post nya sa twitter eh. heheh 😛

wala na naman nakaattach na pic, kaya eto na lang:

EAT BULAGA October 22 2015 KalyeSerye 4_4.mp4_000913302

^isa sa paborito kong split screen kiss nila! hihih kasi feel na feel ni alden e XD sobrang cute at sweet lang db, pang taboy ng nega vibes hahahaha. kelan kaya to sa hindi na splitscreen eeeeeeeh *kilig*

Advertisements

6 thoughts on “issues pa more.

  1. Paepal din kasi tong si derrick eh. Alam namang mainit ang mata ng mga negatrons dun sa dalawa haysttt… Despite of their bashing and mendacious way of reporting, kebs na lang!

    1. tama. hindi tuloy maiwasan na mainis kasi nga parang nanggagatong pa sya sa mga nega eh. mas ok if linawin nya na wala naman db? wala naman talaga masama makipagkaibigan sya kay maine, kaibigan din naman nya si alden, kaso kung alam nya naman na ang mababash dito eh si alden at maine mas ok kung iwas muna sya sa mga cryptic posts na pwedeng iconnect sa issue 🙂

      1. sana nga linawin na rin niya if he cares for his friendship with A including M na rin. I hope he is not like the other artists trying to connect their names to AlDub just to continue with their famewhoring thing.

      2. true, minsan tuloy hindi maiwasan na pagisipan ng masama yung management nila kasi parang sinasamantala na mailink sya sa sikat kasi nga para mapagusapan… ang kawawa kasi dito sila alden at maine, kasi never naman nila kinailangan ng bad publicity para mapagusapan, tapos nadadrag yun names nila at kung anoano pa ang inaakusa sa kanila dahil lang sa maling pagbabalita.

      3. Sa akin ay hindi lang basta maling pagbabalita ang ginagawa ng mga reporters na yan especially yung mga nasa tabloid… They are doing it with intentions. I don’t know kung magkano ang binayad sa kanila just to do this or maybe siguro kailangan nila to for them save their precious jobs. Pare-parehas lang sila ng Brand X, or should I say, pakawala sila ng brand x.

        I know that in the future, hindi sila mauubusan ng issues. All we need to do is just be strong for A & M. Prove to them that we are a nation and we have a very strong foundation. Trusting the two is the key thing here. Trust Maine and Alden, and gawing kebs lang lahat ng nega sa tabi, walang magiging problema.

      4. oo nga e. kaya nga bandang huli ang kawawa si alden at maine kasi wala naman sila ginagawa masama kaso sila ung nabibiktima netong kung sino man may pakana sa paninira sa kanila 😦
        sana maisip to ng mga fans, ung iba kasi andali talaga mapaniwala. nakakalungkot lang kasi kulang sila ng tiwala dun sa dalawa. siguro hindi talaga sila fans to begin with.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s