Aldub · umeepal lang · Variety Shows

real talk. lol

wow, ang sipag ko ngayon 🙂 heheh. kasi walang pasok. andito lang ako sa tindahan nakatao pero walang bumibili. basabasa ng updates sa twitter. walang bagong updates sa maichard e. busy ang lahat dun sa presidential debate. napanood ko, at somehow nakatulong sa pagdecide kung sino yung HINDI ko dapat iboto. ahaha. di pa ako nakakapagdecide kung sino iboboto ko e. hehe. anyways.. ayon. kakalibot ko sa twitter, nakakabasa pa rin ako ng tweets ng mga one-sided fans nila alden at maine. nagblock na nga ako ng iba e para di na nakakairita makita sila pag nagbrowse ako ng HT kaso may pa-ilanilan pa din akong nakikita hmmp.

ewan ko ba dito sa mga Alden only at Maine only fans na to kung ano mapapala nila sa kakabash sa kaloveteam ng sinusuportahan daw nila. hindi pa rin sila nadadala kahit ilang beses sabihin nung dalawa na magkakampi sila. at wala silang pakialam dun sa mga nagbabash sa kanila. naku naku naku. ang titigas ng ulo.

yung mga Alden only fans ha. obvious naman bakit galit na galit kayo kay maine at kung ano ano ang sinasabi nyo sa kanya. sobrang obvious na malaki ang inggit nyo. oo, inggit. ayun lang naman ang puno’t dulo kung bakit ngitngit na ngitngit kayo, at kahit anong gawin ni maine ay mali para sa inyo. tapos kung anoano pa masasama ang sinasabi nyo kay maine, at sinasamantala nyo kung mga maling kumakalat na balita para lalo pa sya siraan. grabe kayo ha. malala na yan. mangumpisal kayo huyyy. kung gano nyo purihin si alden, ganon nyo naman kalala siraan si maine. haha alam nyo natatawa na lang ako sa inyo. kasi naiinggit kayo talaga sa kanya. super. gusto nyo kasi kayo yung love ni alden no?. eh ang tanong kilala nya ba kayo? at kung kilala nya nga kayo, sigurado ba kayong magugustuhan nya kayo? huuuu sa kagaspangan ng ugali nyo na yan. baka unang una pa magalit si alden pag nalaman nya yung mga pinagsasasabi nyo e. antatapang nyo kasi nagtatago kayo sa mga alyas, saka hindi nyo pinapakita mga pagmumukha nyo sa dp nyo. kung pwede lang talaga na automatic na report sa twitter e kapag binabash nyo si maine. nakakainit kayo ng ulo.

dun sa mga Maine only fans naman, hindi ko kayo magets kung bakit ayaw na ayaw nyo kay alden. bakit nga ba? akala ko nung una ayaw nyo lang kay Alden kasi ayaw nyo ng may kaloveteam si maine at gusto nyo solo sya. pero bakit pag may iba na nalilink kay maine, sobra nyo ito ipush sa kanya at gusto nyo ayun un ipartner sa kanya? tapos lagi nyo pinagdududahan yun kilos ni alden. masyado kayong praning. kung si maine nga wala naman masama sinasabi about kay alden, pati yung ibang kasamahan nila. kayo hindi naman nya kayo nakakasama pero kung anoano ang binibintang nyo sa kanya. ano ba talaga ha? sinasabi nyo matatalino kayo, pero sumobra naman ata na wala na kayo sa tama. lahat na lang ng ginagawa nung tao masama para sa inyo. may trust issues kayo enoh. pwes wag nyo yun isisi sa kanya kasi kayo ang may problema nun. hindi nyo naman mapatunayan yung binibintang nyo sa kanya e, kaya pwede ba tigilan nyo na yung pangbabash sa kanya. nagagalit pa kayo kay maine kasi kinakampihan nya si alden, which is tama lang naman na kampihan nya si alden kasi wala naman ginagawa masama sa kanya si alden.

ayun, marami pa ako gusto sabihin pero eto na lang muna. hahaha

ang tanong lang talaga eh ano ba ang mapapala nyo sa ginagawa nyo pangbabash? wala.

Advertisements

2 thoughts on “real talk. lol

    1. yes. 😦 kakalungkot at talagang kailangan pa nila magpost sa ig ni alden ng puro bash. sana hindi nya na lang dibdibin ung sinasabi ng mga bashers, alam nya naman kung ano ang totoo. nakakapikon lang talaga yung mga mapagmarunong e. haaay

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s