Aldub · chusaness · EYECANDY♥ · kurokurokuroro

lawakan ang isip.

nagiging page na to ng rant about sa mga haters ng aldub. hahahahah.

eh kasi naman, di ko mapigilan ang sarili ko na hindi magcomment sa mga nababasa ko sa twitter. nakakapikon kasi sila e. well, ang sabi nga wag na lang pansinin. kaso naman di mo ba papansinin yun e andami nilang napapaniwala sa mga pagsisinungaling nila para makasira ng tao? nakakainis db? tapos hindi kasi kasya sa twitter at mapaflood yun timeline ko pag dun ako nagbuhos ng sama ng loob. ang haba pa naman pag naumpisahan ko na. hehe.

to: unknowneb07.

kung sino ka man naghahasik ng lagim sa twitter, ano ba ang mapapala mo? masaya ka na kapag nagsabi ka ng observation mo about sa aldub marami kang tanga na napapaniwala?

hindi ba nagpakilala ka noon na staff ka ng eat bulaga? pero bakit puro sa ikakasira ng show ang tinutweet mo? ahhh gusto mo mawalan ng trabaho noh? db kung staff ka ng eat bulaga talaga, mas gugustuhin mo na marami ang manood ng show nyo, malay mo magkaroon kayo ng bonus!

bakit nagtatago ka sa alyas? bakit hindi ka magpakilala? takot ka kasi puro kasiraan yung pinagsasasabi mo at baka mapahiya ka lang. takot ka na kapag nalaman nila kung sino ka ay pwede ka nilang idemanda dahil libelous yang ginagawa mo.

at wow ha, daig mo pa ang avid fanatic ni alden kung makapagobserba ka sa kilos nya. ultimo konting galaw at paghinga nya ay alam na alam mo. bakit? lagi mo kasi sya pinapanood noh? uyyy kunwari pa sya pero fan din sya ni alden kasi lagi nya sinusubaybayan.

ikaw yung nagkakalat noon ng issue about kay alden at patricia. kung anoano pa ang sinasabi mo nangyayari kuno sa backstage, na nanggaling sayo na insider daw dahil staff ng eat bulaga. hahahaha. nako gustong gusto kong magmura eh pag nababasa ko na marami kang napapaniwala. king….. arthur naman oh. tangin…..g yaman talaga.

oh nasan na ngaun un claim mo na issue sa kanila? wala naman e. kasi wala naman talaga. hindi naman sila mga bobo noh at gawin nila yung mga pinagsasasabi mo. daig mo pa ang mga writers sa sobrang lawak ng imahinasyon mo. maniniwala lang ako sayo kung sasabihin mo na ikaw si mama ten at lagi mo nga nakikita lahat ng galaw ni alden.

sinasabi mo dapat lawakan ang pagiisip at magmasid sa mga bagaybagay ang aldub fans. oo dapat naman talaga yun. dapat lawakan ang pagiisip para hindi magpauto sa mga kagaya mo. jusme. halatang halata naman ang motibo mo na sirain lang sila e.

at para dun naman sa mga naniniwala sa mga pinagsasasabi nya. ewan ko sa inyo. bakit mas maniniwala kayo sa kanya na ayaw magpakilala kaysa sa mga taong totoong nakakasalamuha ng aldub? kung ganyan lang din naman kayo e wag na kayo manood at wag nyo na sabihin fans kayo ng aldub. kasi halatang halata naman mga ususero lang kayo.

isa pa tong mga one-sided fans ni maine na sobra manggatong. bakit ba galit na galit kayo kay alden. ano bang ginawa nya sa inyo. kung si maine nga e kasundo nya si alden, wala naman sya napapansin masama kay alden pag magkasama sila. bakit ba nagiisip kayo ng masama dun sa tao. ganun din sa one-sided fans ni alden, bakit ba kung laiitin nyo si maine e ganung ganun na lang. hindi nya naman kayo nakakasama sa personal. lahat na lang ng ikilos nya may sinasabi kayo.

ang gusto ko lang naman e wag na magsipag-tweet about sa aldub tong mga taong to kung puro kasiraan lang naman ang sinasabi.pero ano bang magagawa ko, hindi naman sila mapipigilan e. dun ata sila masaya. di mo nga tuloy alam kung may bayad ba sila at parang trabaho na nila ang manira ng tao? may ganun klaseng trabaho ba? nako, ayoko naman magtrabaho ng ganun noh. yung alam mong may sinisiraan kang tao na wala naman masama ginagawa sayo. tapos tong mga naniniwala naman.. naku naku naku. napapamura talaga ko sa isip ko e. masama magmura pero nakuu. king… arthur talaga oh.

maisip sana ng mga fans na ang pagiging fan ay may limitasyon. wala naman masama kung gugustuhin natin sila magkatuluyan kasi aware naman sila dun dahil bagay na bagay sila. pero sana, wag na natin panghimasukan yung privacy nila. hindi porke public figures sila eh lahat ng ikikilos nila dapat malaman ng sambayanan. makuntento na tayo sa mga pauntiunti behind the scenes clips at photos na shineshare nila. hindi pa ba sapat na makita sweet sila oncam? at sana wag din sila kaagad pagisipan ng masama. kasi nagpapatunay lang na napakadumi ng utak ng mga nagiisip na to at laging masama ang iniisip na motibo nila.

naniniwala ako na mabubuting tao sina alden at maine. at hindi nila magagawa yung masasamang binibintang sa kanila.

at kung meron man mga pagkakataon na nadisappoint ako sa kanila, problema ko na yun at hindi ito sapat na batayan para husgahan ko ang pagkatao nila dahil hindi ko naman sila kilala at nakakasama sa personal.

pawang taga nuod lamang ako at naaaliw sa mga pinagagawa nila 🙂

——

Eat Bulaga KalyeSerye February 25 2016 AlDub Day 188 #ALDUB32ndWeeksary.mp4_001343824

waaaah eto. first kiss oncam!! *kilig* well, hindi naman talaga sya sakto sa lips, pero tingin ko umabot sa gilid ng lips ni maine yun. kaya counted pa din sya. hahahahah.

sobrang cute nila T.T kaya hindi ko maintindihan yung mga taong pinaglihi sa sama ng loob at galit na galit sa kanila. eh napakacute naman nilang dalawa. at sobrang genuine ng pagkasweet nila. hihi. oh kung sasabihin nyo na acting lang yan, kanyakanya tayong problema na jan, ako problema ko na basta tingin ko totoo, kayo problema nyo na lahat na lang pinagiisipan ng masama. hahahah basta ako happy ako at nakakatuwa sila panuorin. hihihi. ♥

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s