Aldub · EYECANDY♥ · umeepal lang

bash pa more.

another post dedicated to bashers hahah

(dahil tinatamad ako dito sa office at tapos ko na lahat ng gagawin ko naghihintay na lang ng uwian XD)

nasa dubai kasi si alden ngaun e, madami na naman nagkalat sa social media na negatrons. hmm kahit naman nasa pinas si alden e nagkalat pa din sila. di ko nga alam kung san nanggagaling yung mga yun e. bigla bigla na lang sumusulpot. sila ba ay galing sa ibang planeta? or nanggaling sa ilalim ng lupa?

nakakatawa kasi sa twitter andami talaga mga account na ginawa lang para mang-bash. yung iba nagpapanggap pa ng fans ng ibang artists para syempre mag awayaway na yung nasa iba’t ibang fandom. tapos yung iba nagpapanggap na dating aldub fan kaso daw natauhan na yung mga ganun ba.

masama magbintang pero meron akong nasa isip kung sino ang mga nsa katauhan ng mga biglabiglang sulpot na mga basher na to at kung ano ano ang ibinibintang sa aldub. pagpaumanhin kung mali ang inaakusa pero kung iisipin mo naman kasi meron naman talaga itong posibilidad.

  • brand x – syempre sila talaga ang una mong maiisip kasi nga fans sila ng kabila. hindi ko naman nilalahat. marami pa rin naman ang mababait at wala naman sila pakialam sa aldub at tuloy lang ung suporta nila sa mga gusto nila. pero aminin na din natin na marami din talagang utak talangka at ang ginagawa nilang way para manalo ang gusto nila ay ang pabagsakin ang kalaban sa hindi maayos na paraan. gagawa sila ng way para siraan ang aldub, kahit umimbento pa sila ng mga kwento na napakaimposible naman mangyari.
  • throwback – o mga fans ng dating kaloveteam ni alden. oh react naman yun iba jan? sorry ha? aminin din natin na marami akong nababasa na hanggang ngayon ay hindi matanggap na hindi na ang paborito nila ang katambal ni alden. kaya pilit nila ibabalik ang nakaraan. throwback kung throwback eto. upload ng picture ni alden kasama ng mga dati nyang leading ladies. syempre naapektuhan ung ibang aldub fans kasi ang gusto lang nila ay si maine para kay alden. pero wag na sana magpaapekto dito. dahil past is past. uso po ang move on.
  • recycle – ung mga dati na ring bashers ni alden. sila din yung mga bashers ni alden nung time na nalilink si alden sa dating sikat na loveteam sa gma. wag na lang natin pangalanan pero sila nga un (gusto ko pa naman to dati amfs). grabe pangbabash yung inabot ni alden sa kanila. hindi ko alam kung totoo yung mga nabasa ko na ginawa nila dati kay alden. pero based sa reaction ng malapit sa kanya na fan ni alden na si ms. nate, at base na rin sa mangilanngilan ko pa din nababasa na tweet eh mukhang totoo nga yun. at hindi ko alam kung bakit ganun sila kasakit magsalita.
  • obsessed – eto yung mga fans ni alden na obsessed sa kanya. o mga delusional at feeling nila sila ang pakakasalan ni alden bandang huli kaya pilit nilang pinapabagsak ang aldub at kung anoano ang sinasabi nilang masama about kay maine. nakaabang din sila sa bawat kilos ni maine para kung sakali magkamali ay meron silang ipapangbash sa kanya. pati paghukay ng mga lumang tweets ni maine ay pinagaaksayahan nila ng oras kasi wala silang maibash kay maine sa present eh kaya humahanap sila sa nakaraan nya. at kung makatawag ng kung anoano kay maine ah? hindi ba mas bagay sa kanila yun bintang nila na yun? hmmp.
  • reklamador- eto ang mga onesided fans ni maine na hindi ko talaga maisip kung ano ang problema nila kay alden? ayaw naman nila ishare. ang babaw naman kasi nung sinasabi nila na masyadong showbiz si alden at hindi sincere yung pinapakita kay maine. kahit para naman kay maine saka sa iba nilang nakakasama eh puro magaganda ang sinasabi about kay alden. ano kaya problema ng mga to?
  • KSP – kulangot sa pader. mga papansin. wala lang sila magawa sa buhay kaya trip lang nila ibash ang aldub. kasi aldub ang sikat. at dahil alam nila na marami ang fans ng aldub. tuwang tuwa sila pag marami silang notification. kahit ba ang mga notification na yun ay ginegyera na sila pero masayang masaya pa din sila. kayahindi sila tumitigil kakapost ng mga masasama about sa aldub at tuloy pa rin ang pangbabash.

 

ayun. marami pang klase eh. pero etong mga to lang ang naalala ko. at sila yung madalas pabalikbalik. hindi ko talaga alam ang problema ng mga taong to. hindi ko rin alam bakit pinagaksayahan ko pa sila ng oras at talaga nagpopost ako about sa kanila. hmm gusto ko lang naman ilabas ang nasa isip ko. at isa pa, di naman naaksaya talaga ang oras ko. kasi wala talaga akong magawa ngaun. haha.

sana mabasa to ng mga ‘funnywalain’ or yung mga madaling maniwala sa kung ano ang nababasa nila sa internet. please po. magmasidmasid ng mabuti. wag po kaagad maniniwala. nasa huli ang pagsisisi.

kung hindi man natupad ang mga gusto nyo mangyari, huwag po magalit sa mga iniidolo nyo. kasi ginagawa po nila ang lahat para mapasaya kayo.lawakan po sana ang pangunawa. at maging masaya sa kung ano ang ibinabahagi nila sa atin 🙂

CWy9Z_PUwAAY3mN

hindi ko alam kung san kayo humuhugot ng galit sa mga batang ito. eh ang babait at ang cucute naman oh. sobrang bagay. ♥

may mga gusto pa akong sabihin pero next entry na lang kasi mas mapapahaba to. hahah.

*pabebe wave*

 

Advertisements

2 thoughts on “bash pa more.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s