Aldub · chusaness · umeepal lang

patola

it’s 2am and i’m wide awake. Why? Wala naman nasira lang ang antok ko. XD

Pano. Nagcheck ako ng twitter feed ko and nakita ko ang mga screencap ng mga reply ni louise delos reyes sa mga nangbash sa kanya (who are claiming to be aldub fans pero di ko sure kung fans nga ba talaga or just posers, pero baka mga sensitive aldub fans nga)

and i just want to say my opinion about it. kahit hindi naman importante tong opinion kong ito. gusto ko lang talaga humanash.

Unang una sa lahat, hindi na dapat ito pinatulan ni ms.louise. dahil sa pagsagot nya mas lalo lang ginanahan tong mga bashers na to na ibash sya. Mga papansin kasi sila e. Dahil napansin sila mas lalo silang masaya at lalong hindi sya tatantanan.

Ikalawa, malinaw ang tanong ng ibang nagcomment na tinatanong lang kung may something sila ni Alden. Kung gusto nya talaga itong tapusin, she could’ve answered with simply a yes or a no. Kaso andami pa nyang hanash na kesyo need magising sa realidad ng mga fans, blah blah. Ako aminado ako malakas ako magimagine, naiimpluwensyahan din ako ng binabasa kong fanfics, pero alam ko naman ang totoo sa hindi, pero wala din naman sya karapatan na alisin sa mga fans kung anong nakakapagpasaya sa kanila. Pwede naman magremind ng mahinahon db?

Ikatlo, may sinabi ata sya about sa ‘hindi naman mga fans ang nagbibigay sa kanila ng pangkain’? Tama ba? Nakalimutan ko kasi exact words nya e at wala naman ako balak balikan un comment. Pero something within those lines ang gusto nya iparating na parang ‘hindi naman fans ang nagpapakain sa kanila’. Just want to correct her on that, oo nga at hindi fans ang directly nagpapasahod sa kanila, pero naisip nya sana na fans ang main ‘consumers’ kaya sila tinatangkilik. kukuhanin ba ang serbisyo nya sa mga palabas bilang artista kung walang fans na gusto syang mapanuod? Ayun ay opinion ko lamang ah, pero db ganun naman talaga ang ikot nun?

Kaya malaki ang paghanga ko din kay alden at maine e, dahil alam nila to at lagi nila inuulitulit. Na kung hindi dahil sa mga fans eh hindi naman din sila magiging ganun kasuccessful. Alam nila na hanggat marami ang sumusuporta sa kanila, patuloy ang dating ng mga blessings at sobrang thankful talaga nila sa fans.

Alam kong gusto lang din maglabas ng saloobin nya si ms.louise kaya di nya napigilan magcomment sa ginagawa pangbabash sa kanya (kagaya na lang ng hindi ko mapigilan magcomment about sa issue na to) pero sana tandaan din na ang mga bibitiwan na salita e mas lalong magfufuel ng mas marami pang pangbabash. Kung masama talaga loob nya, she could talk to her friends about it. Yung hindi mababasa ng ibang fans. Para hindi pa magkaroon ng issue.

Haay holy tuesday pa naman at may ganto talagang mga ganap. bakit ba sa tuwing umaalis si alden papuntang ibang bansa naghahasik lalo ng lagim tong mga bashers XD

Patola din talaga ako enoh. Di ko mapigilan di magcomment dito sa issue. Hahahahah

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s