Aldub · chusaness · ispikritik · umeepal lang · Variety Shows

what’s happening, KS?

netong mga nakaraan linggo hindi na ako nanunuod ng replay ng kalyeserye unlike before 😦 hindi ito dahil sa hindi ko na gusto ang aldub/maichard. updated pa rin ako sa ganap sa kanila. dahil ito sa nangyayari sa KS, na parang walang patutunguhan.

parang last week ang sabi bagong season, bagong yugto. so syempre you expect something na kakaiba compared sa past episodes. pero wala e. ganun pa din. mas maganda pa nga yung mga dating episodes e. 😦

nakakalungkot lang. kasi nawawalan na tuloy ng gana manuod ng kalyeserye yung ibang fans ng aldub e. nangyari na yung gantong phase, nung time na madalas wala si alden, at ipinasok nila ang character ni jake. sa totoo lang nawalan na din ako ng gana nun. kasi para sa akin, hindi naman kailangan magpasok na naman ng character na gaganap na third party e. tapos yung pinaarte pa nila kay maine nun nakakainis. na para bang gusto nya si jake -_- nainis talaga ko nun. pero buti bumawi sila sa ansera arc. hehee 😀

sa ngayon, mas nag-eenjoy pa ko manuod ng sugod bahay(pag nasa panel si alden, tapos present si maine sa brgy) saka magbasa ng wattpad aldub fics kesa manood ng ks. sa totoo lang. sana mabago nila to. sana bumalik yun dati na masaya lang, tapos unexpected un mga mangyayari. yung kahit silasila lang un characters tapos quick change pa more. kesa un magpasok sila ng bago character. mas ok din yun ginagaya nila un mga usual na scenes sa teleserye tapos ginagawa nila katatawanan.

mas ok lang sana yung bibigyan lang sila situation tapos bahala na sila sa gagawin nila. naiinis nga ako nun pag nanunuod ako nakaearphones kasi nadidinig ko pag inuutusan sila ng writer or flood director ng gagawin nila. tapos halata din pag may binabasa sila. kaya gusto ko si jose/tinidora kasi spontaneous sya e. nakakagawa sya ng nakakatawa situation ng sya lang nakakaisip XD un ung mga gusto ko parts ng kalyeserye un biglaan lang nagyayari. heheh

pinakaayaw ko na arc sa ks e ung dumating si cindy at lola babah, saka yun jake arc. hahahah

ano ba kasi balak nila bakit sila naghahanap ng bagong yaya? para makadiscover ng bagong phenomenal star? sa tingin ko hindi na mangyayari yun kagaya ng nangyari kay maine. para sa akin ah? mas nagustuhan ko si maine kasi nung hindi yaya dub sya na masungit, pero nung na-out of character sya at kinilig dahil kay alden. ibig sabihin lang nun si maine talaga yun nagustuhan ng manunuod kesa kay divina.

parang nakalimutan na nila ung 3rd condition 😦 bakit di na nila yun ginawa? lalong napapatagal na hindi pa sila. sana gawin na official si alden at divina, tapos may mga adventures sila as a couple kasama ng mga lola. mas masaya yun kesa magpasok sila lagi ng bagong character. haaay.

ayun, wala lang. hahaha nashare ko lang ung saloobin ko about ks.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s