Aldub · EYECANDY♥

kampante.

andamidami kong gustong sabihin tungkol sa mga latest na ganap sa aldub/maichard netong mga nakaraang araw, linggo o buwan. hahah. grabe. kahit disappointed ako sa nangyayari sa kalyeserye ngayon, masaya naman ako sa nangyayari sa maichard. yesss maichard na dapat, maine + richard kasi true to life na e! 🙂

babala: mahabahabang babasahin eto.

simula nung birthday celebration ni maine sa eat bulaga…

  • first onscreen kiss sa lips ni alden at maine! ♥ ang cute lang. and nakakakilig talaga ♥♥♥  IMG_0563[1].JPG
  • ung MAINE na gifts ni alden. ang hula ko dun sa last gift ni a na ayaw nya ireveal, well base naman sa lalagyan for sure singsing yun. pero kaiba sa hula ng karamihan na ‘engagement ring ‘, ang hula ko naman e something like promise ring. siguro? na isusuot lang ni alden kay maine kapag ready na sila for commitment, or maging official na maging sila. heheh. hula lang naman. syempre sila pa rin naman yung totoong nakakaalam nun. at E sya hindi dahil sa engagement. kasi for her Eyes only daw yun. hehehh =P
  • Alden’s version ng ‘Mirrors’ ni Justin Timberlake. etong part ata na to yung pinapaulitulit ko at hindi pa ako nakuntento kaya nirip ko pa at kinonvert sa mp3 para lagi ko rin sya napapakinggan. ewan ko ba nagustuhan ko yun pagkanta ni alden sa mirrors, siguro kasi feel na feel nya yun lyrics. hehe! at bagay na bagay naman talaga sa kanila. i’m glad na ayun ang kinanta nya at hindi ‘God gave me you’ or ‘thinking out loud’ or ‘one call away’ or kahit anong kanta na pinapatugtog na nila lagi sa kalyeserye. special kasi talaga. tapos ang sabi pa ni maine na yung chorus daw nun e kanta nya para kay alden. hihi *kilig*

kung gusto nyo idownload yung mp3 rip ng mirrors ni alden eto un link:                                      Alden Richards – Mirrors

(kuha lang talaga sya mismo sa video kaya madidinig pa din yun salita nila saka                       hiyawan ng audience heheheh)

  • yung message ni alden kay maine. hehe. di yun scripted ahh ramdam na ramdam ko yung sinceridad ni alden dun. pati un sa revelation ni maine na almost 1 week na sya nagtatampo kay alden. hahahah. ang sweet nila ♥
  • yung paglabas ng family ni maine! hahah takot si alden XD pero nakakatuwa kasi botong boto sa kanya buong family ni maine. heheh. tanggap na tanggap sya. at ang cute nung kinuha nya at kinarga si  matti. hihi sana maging mas close pa sila. pati sana si maine maging close din sa family ni alden, na botong boto din sa kanya hahahah
  • yung 3 lola na special guest ni maine. nakakatuwa kasi saktong 3 lola din yun, parang ung tatlong lola ni yaya dub sa kalyeserye. tapos pa yung mga date kung kelan sila nanalo e special date para kay maine: yung july 16(una sila nagkita sa splitscreen ni alden), september 5(unang nagkita sa personal ang aldub pero may plywood) saka ung last birthday ni maine. db? ang galing. parang scripted pero hindi. hehe

dami ng ganap hahah umpisa pa lang to ng entry ko. xD parang gusto ko tuloy panuorin uli yung maine event hahahha. sunod naman yun sa boracay… hehehe

  • akala na naman hopia pero totoo pala na sumunod si alden sa boracay! yeyyy at na surprise si maine at nagbonding sila ng bongga hahah maghapon ata ako nakatutok nun sa cp ko kakaabang ng updates dun sa boracay escapade nila XD kasi nagpopost si maine sa snapchat tapos meron din nagpopost sa twitter saka sa ig. nakakapagod magstalk hahahha. pero sobrang saya talaga kasi nakapagbonding sila kasama pa ng iba nilang friends. at hindi yun part ng kalyeserye or kahit anong endorsement nila. may mga hanash pa nga yun mga onesided fans na shooting daw un ng tvc hahaha buti nga pahiya sila XD wala naman mga camera nakasetup saka production crew panu naging tvc shoot yun. mga mapagmagaling kasi e. yan tuloy pahiya. wehehhehe basta masaya sila nung araw na yun. at natutuwa ako nagabsent talaga si alden sa SPS para sa bday celeb ni maine yeheyyy
  • ang ayaw ko lang eh yung sinama pa sa kalyeserye yun part ng vacation nila na yun. eh db hindi naman si divina at ks alden yun. si richard at nicomaine yun nagpunta boracay. oh well, ang sabi naman ng iba para mapakita din sa ibang fans na walang social media accounts, eh db binalita din sa 24 oras yun? ayun lang naman, pero ayos na lang dn, nagawa na e. basta nagenjoy sila dun, at nakapagrelax.
  • tapos yun post ni alden. hihiih ‘worth it’ talaga naman alden. worth talaga yun. nakapagenjoy ka, nakapagbonding kayo. nakapagbreak ka sa work. at nasurprise mo at napasaya si maine. bukod sa naging masaya ka din. heheh more outing to come para sa inyo!
  •  IMG_0515[1]
  • eh tapos yun nagcomment pa si maine. hahah sweet nyo talaga sobra ♥
  • eh yung blog post pa ni maine about sa boracay escapade nila pati yung video?? eeeeeh ♥♥♥

ano ngapala sumunod dito? ahhh dakak na ba? hehe

  • nakakatuwa kasi nakapagbonding uli sila sa beach saka amusement park. kahit nagshoot ng endorsement. tapos maghapon magdamagan yun shoot na yun ah. eh  galing pa sila sa mcdo nun ung sa national breakfast day. tapos after nila sa dakak diretso naman sila sa clark para magshoot ng “God gave me you’ para sa lenten special ng eat bulaga. kahit pagod sila pero at least lagi sila magkasama. hahah

yung ‘God gave me you’ na pinalabas nun holy wednesday.

  • ang ganda! pwede na sya movie talaga hehe. maganda yun story, magaling yun cast. at ang galing ng pagkakadirek ni Bb. Joyce Bernal. sana sya din maging director ng unang movie nila alden at maine. ang galing kasi talaga. pangkaraniwan saka mahuhulaan mo agad yun story, pero ang galing pa din ng pagkakadeliver nila. at syempre cute ung mga eksena ng aldub/maichard. tapos nakakaiyak talaga un ibang parts. ang husay nila umarte. natatawa lang ako kasi ang magbf/gf sa umpisa nun eh si maine at jake, pero ang awkward nila. siguro kasi di pa masyado marunong umarte si jake, pero mas mukha pang magbf/gf si maine at alden kahit unang kita pa lang nila. anlakas kasi ng chemistry nila. or sadyang bias ako? haha. kung di nyo pa napapanuod panuorin nyo kasi maganda. 🙂

o andami pang ganap pero masyado na tong mahaba.. saka tinatamad na ko. sa susunod na post ko na lang un kasunod. hahha. basta teamkampante! ♥ maichard ftw! ♥

 

Advertisements

4 thoughts on “kampante.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s