Aldub · kurokurokuroro · umeepal lang

dear tabloid reporters

nagising talaga ako ng madaling araw tapos mababasa ko mga articles nila cristy fermin, pete ampoloquio, alex brosas at jobert sucaldito.. mas lalo akong hindi makatulog.

ayoko na sana magcomment e. eto na naman kasi ako sa mahabang hanash, andamidami kong gustong sabihin. hahah.

pero, as a fan of alden & maine, hindi ko talaga mapigilan hindi magcomment sa mga pinagsasasabi ng mga tabloid journalist na to (journalist nga ba sila matatawag sa mga pinagagagawa nila?)

inaabuso nila ang kakayahan nila magpublish ng article sa dyaryo at ipalaganap sa mga masang nagbabasa neto ang mga opinion nila na nakakapanginit ng ulo.

tama bang tawaging reporter, eh imbes na maghatid ng balita, ang isinusulat lamang nila ay mga panlalait at kasinungalingan sa kung sino ang gusto nilang siraan.

dahil si alden at maine ang pinakasikat ngayon na artista dito sa pilipinas, sila ang biktima ng mga walang magawa sa buhay na tabloid reporters na to.

lalo na si maine na baguhan pa lang sa showbiz, kung anoano ang mga pinagsasasabi nila. lalo na yun article ni pete ampoloquio, hindi mo maituturing na news article yun kasi wala sya ginawa kundi laiitin si maine. nakakaHB.

gaya nga ng laging sinasabi ni maine ‘inaano nya ba kayo?!’

hindi na dapat sila pansinin e, kasi kagaya lang sila ng mga bashers. ang kaibahan lang e naipapublish nila ang mga isinusulat nila sa dyaryo.

ang unfair noh?  nagtatrabaho ng maayos sila alden at maine at marami silang napapasayang tao pero ganto ang nakukuha nila sa mga tabloid reporters.

well, hindi naman lahat ay ayaw sa aldub, meron pa rin naman mga reporters na maganda ang isinusulat about sa kanila kagaya nila ms.nora calderon. at eto rin mga reporter na to ang nakilala at nakausap na mismo nila sa personal.

yung mga reporter na puro masasama ang sinasabi sa kanila.. nakita at nakausap nyo na ba sila sa personal? tapos nagsasabi kayo ng opinion nyo at kunwari ibang tao ang nagsabi pero sa totoo lang sa inyo lang naman din galing.

halos lahat ng nakasalamuha nila sa personal ay puro magaganda ang sinasabi sa aldub.

isa pa, sila alden at maine ay nagiging inspirasyon ng maraming tao sa pag-ibig, trabaho, pamilya, pakikipagkaibigan. nagiging dahilan sila ng kasiyahan ng maraming tao. marami rin ang nalilimutan ang problema dahil sa panonood sa kanila.

kayo po ba cristy fermin, pete ampoloquio, alex brosas at jobert sucaldito, ilan tao na po ang nainspire nyo sa buhay? ilan tao na ang napasaya at napangiti nyo? ilan tao na ang nagpasalamat sa inyo dahil nawawala ang problema nila sa tuwing nababasa nila ang isinulat nyo?

dun sa article ni cristy fermin na sinasabing tanggalin na si maine sa juan for all, opinion mo laban sa daan libo o maaaring milyon tao na gusto sya mapanood arawaraw sa tv.

dun sa article ni pete ampoloquio, alex at jobert na sobra kung laitin si maine.. wow ang gaganda nyo po ah. kayo na po ang lubos na pinagpala. nakita nyo na ba sya sa personal?ibang iba kasi ang mga kwento ng mga nakakita sa kanya sa personal dun sa mga isinusulat nyo e. sabagay sabi nga ‘beauty is in the eye of the beholder’.. at ang pamantayan ng beauty para sa inyo ay tanging kayo lamang ang nakakakita.

demolition job ba eto? dahil ba sobrang successful ng aldub? tsk tsk. grabe nakakatakot ng industriya ng showbiz at may mga gantong klaseng galawan. para lang sa pera naaatim nila makasakit ng kapwa? nakakatulog ba sila ng mahimbing sa gabi?

basta sana ituloy lang ni alden at maine ang pagpapasaya sa maraming tao dahil mas marami pa rin naman ang nagmamahal at sumusuporta sa kanila. 🙂

kinailangan ko lang talaga ilabas ang saloobin ko na eto dahil hindi ko talaga maatim ang mga nababasa ko na panglalait at panghuhusga sa aldub.

haaaaay ayun lang. tutulog uli ako haha.

Advertisements

2 thoughts on “dear tabloid reporters

  1. Dont worry about tabloid reporters.

    1. They are really part of the industry na ginagalawan nila maine and alden.

    2. Wala silang credibility. Hindi nila nakasanayan na mag validate ng mga facts nila.

    3. Hindi nila naisip na may responsibility sila sa reading public nila. Laging may agenda ang sinusulat nila.

    4. Tabloids should just be accepted na occupational hazards.

    Having said that what can we do?

    1. Relax, they are not to be dealt with so much anger.

    2. Reply to their columns if you have time, a bad idea can be easily killed with a good one.

    3. Dont worry about maine or alden, they can handle them.

    4. Treat tabloid reporters with wit, not with hatred if you engage them in social media.

    Aldub, tinitira nila ito kasi hindi nila ito maintindihan , akala ng tabloid reporters alam na nila lahat na nangyayari sa industriya nila.

    Hindi nila makita ang tamang treatment sa isang pangyayari sa entertainment industry, hindi nila matanggap na may aldub na darating at lilikha ng isang bagay na hindi nila kayang i manipulate.

    Aldub will continue , with tabloid reporters na nakamasid araw at gabi.

    1. thanks for these insights po. i agree po. di ko lang talaga napigilan un sarili ko magcomment kasi laganap po sila talaga (affected much) and there are some fans na hindi po maintindihan ito, at madali din sila mapaniwala.
      maybe they’re just doing that job kaso yung iba po kasi sobra sobra po ang sinasabi. kakalungkot lang dahil wala naman po ginagawa masama sila alden at maine kundi magpasaya ng ibang tao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s