Aldub · umeepal lang

andamidamidamidami nila.

namiss ko mag-rant about aldub/maichard! hehe. grabe ang toxic sa twitter at ig ngaun. andamidaming hanash. dami kasing funnywalain e. dami assumera. dami pakialamera. hay nako.

parang umulit lang nung valentine’s day ganun? yung mga hanash ganun dn. sino nag-umpisa? mga one-sided fans. tapos naniwala un mga funnywalain sa aldub nation. tapos sinakyan na lang at pinalala pa ng mga bashers. haaay nako. db? umulit lang yung ngyari nung valentines.

ang sweet pa naman nila nung sunday. dun sa bingo event. wala na maipintas sa kasweetan nila kaya nung nakahanap ng butas tong mga bashers, eh sinamantala at pinalala ang issue.

nakakalungkot magbasa ng mga opinyon ng mga taong wala naman talaga alam e. at naniniwala lang sa sabisabi. kasi yung mga taong totoong may alam sa kung ano ang nangyayari dun sa dalawa eh hindi naman nagsasalita.

hindi naman masama alamin kung ano ang nangyayari sa kanila sa likod ng camera, pero minsan kasi sumosobra na. hindi pa ba tayo makuntento na may nagsheshare ng pics behind the scenes at vids? hindi pa ba sapat ung mga snapchat updates ni maine? or ung minsang pagshare nila sa twitter at ig?

ang hirap kasi, yung ibang fans, feeling nila hawak na nila yung buhay ng mga idols nila. meron po sila pribadong buhay. siguro mas maigi e pagtuunan din ng pansin ang sarili mong buhay kaysa maki-alam ka sa buhay nila.

alam naman nila siguro ang ginagawa nila, at mukha naman silang masaya. ako inaamin ko may pagkatsismosa din talaga ako, pero hindi ko naman gugustuhin na dahil sa kagustuhan ko na malaman ang nangyayari sa kanila eh napapanghimasukan na ang buhay nila.

yung totoo wala naman talaga tayo alam sa totoong nangyayari dahil limitado lang ang nalalaman natin sa kung ano ang gusto lang nila ibahagi. bakit kapag meron nagsabi na insider sila at nagshare ng kaunti impormasyon ang dalidali nyo napapaniwala? kahit walang pinapakitang picture o katibayan na insider nga sya? atsaka sa tingin mo kung totoong kilala nya si alden at maine bakit sya magsheshare ng information na hindi naman nila gusto ibahagi db?

nakakainis at nakakapikon talaga un mga mapagimbento ng kwento at ang naapektuhan bandang huli ay si alden at maine. nakakaawa yung 2 bata sa totoo lang.

yung mga katrabaho naman nila na minsan pinapatulan pa un mga bashers (na hindi naman tayo sigurado kung aldub nation talaga or gusto lang siraan ang fandom) kailangan ba talagang sagutin? hindi nila alam ayun ang gusto mangyari ng basher e, pinoprovoke sila para makakuha ng reaction. kaya lang bakit sila pumapalag sa iilan lang na bashers, samantalang wala pa ito sa kalahati ng panghuhusga at pagbabatikos na natatanggap ng dalawa araw-araw dahil nga sobrang sikat nila.

hindi ko alam bakit mahirap umintindi un mga bashers o sadyang ganun talaga sila dahil ang aim tlaga nila ay pabagsakin ang aldub? hmmmm.

ayun. sa totoo lang andami dami kong gustong sabihin. kaso lutang kasi ako ngaun.

nakakastress sa twitter, nakakastress pa sa work.

haha sa susunod na lang yung mas maayos na reklamo about tards. XD

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s