Aldub · chusaness

listahan ng hanash

ilista ko dito ung mga hanash ng tards na paulitulit na lang. basta ung mga tweets nila. dati pag nababasa ko mga to nahahighblood ako e. pero dahil nga paulitulit na lang sya, nasanay na ko. kasi di naman totoo e. nakakatawa na lang. hahah. karamihan dito mga imbento nilang kwento hindi mo alam san nila nahagilap. yung iba naman dito mga lait nila, feeling nila ang perfect nila at wala silang flaws sa katawan.

—–

disclaimer: ang mga susunod na mga salita ay mga nababasa kong tweets sa twitter ng mga OSFs or mga tards ni alden at maine.

Eto ung tinutweet lagi ng mga nagsasabing fans sila ni maine pero ang totoo bashers lang sila ni Alden, they are collectively known as M tards:

  • bakla daw si Alden
  • ginagamit lang daw ni alden si maine para sa career nya
  • pakitang-tao daw si alden
  • di nya daw totoong gusto si maine or for reel lang daw lahat ng pagiging sweet ng aldub aka team mulat na daw sila.
  • gusto nila magsolo na si maine
  • Jamaine (Jake Ejercito), VicoMeng (Vico Sotto), PaoMeng (Paolo Ballesteros), Derrick, Miggy, Kim, etc etc na hindi mo na masundan kung sino ba talaga ang gusto nila iship kay maine. parang lahat na lang ata ng madikit kay maine e gusto nilang ipartner kay maine. basta hindi si alden.
  • gf daw ni alden si patring
  • gf daw ni alden si julie anne
  • gf daw ni alden si louise de los reyes
  • gf nya kahit sino madikit na babae sa kanya
  • bf daw ni alden un makeup artist nya
  • bf daw ni alden ung handler nya
  • bf nya kahit sino madikit na bakla sa kanya
  • hindi pa sya nakakapagtapos ng pag-aaral

etc etc etc. andami nilang sinasabi about kay alden, tapos iisang grupo lang din to e paibaiba un issues nila kay alden hindi sila consistent. ano ba talaga hahah. palibhasa wala na kayo masabi masama kay alden e kung ano ano iniimbento nyo. gf nya si patring/julie/ldr tapos iissue nyo sya na bakla. ang bobo lang. gagawa kayo ng issue pero di nyo mapangatawanan XD nakakatawa na lang e. atsaka bakit mo gagamitin na pangbabash un fact na hindi pa sya tapos ng pag-aaral? eh ano kung hindi pa? hindi nya naman ginusto na hindi pa sya tapos. inuna nya tumulong sa pamilya nya at magtrabaho ng mabuti. hindi ito pamantayan ng pagkatao. marami nga jan nakapagtapos ng pag-aaral pero wala naman magawa matino sa buhay nila e. at least sya nagtatrabaho ng marangal. at mayaman na sya ngaun. hahahha. puro lang kayo salita tards. eh hindi nga nila kilala sa personal si alden kung makapagsalita sila e. nakasama nyo na ba sya maghapon? nakausap man lang? malayongmalayo ung sinasabi netong mga bashers na to sa sinasabi ng lahat ng nakakakilala sa personal kay alden.

Eto naman ung mga laging tweets ng mga may ayaw kay Maine, na mga patay na patay at delusional kay Alden, o di kaya mga fans sila ng mga nililink na artistang babae kay alden. they are collectively known as A tards.

  • malandi daw si maine
  • maldita daw
  • palamura daw
  • lasingera daw
  • hindi daw sya introvert, mahilig daw sya magparty
  • salbahe daw sya kay alden lagi nya binubully
  • bf pa nya daw si miggy
  • bf nya daw si derrick
  • bf nya daw si kim
  • bf nya kahit sinong lalaki madikit sa kanya
  • di daw marunong umarte
  • malaki daw bibig nya
  • mukha daw syang unggoy
  • mukha daw syang katulong
  • maitim daw kilikili nya
  • bagang daw
  • di nya daw totoong gusto si alden napipilitan lang sya

oh db? obvious sa mga tweets nila na insecure lang sila kay maine. ung mga lait nila kay maine na yun na hindi naman totoo. ang lalakas ng loob manglait, pihado sila pa mismo un mga pangit. ang sasama ng ugali e. atsaka grabe ha ung ibang tweets nila below the belt. mahihiya ang mga magulang nila na ipinanganak pa sila. di ko nga alam san sila humuhugot ng galit nila kay maine e. sobrang inggit na nila. nakakatakot. saka bakit nila sinasabi masama ugali ni maine? eh halos lahat ng makilala nya sa personal iisa ang sinasabi sa kanya. na sweet sya at mabait. at sobrang ganda sa personal. mukha daw manika. kaya sana tong mga a tards bago mamintas, eh siguraduhin nilang nakita na nila sa personal si maine at nakapagpapicture katabi nya. pihado mahihiya sila sa ganda nya.

ang lalakas nila magtweet ng masasama palibhasa anonymous sila sa twitter.

imbes kasi na pagtuunan ng pansin at suportahan ung mga idolo nila eh mas inatupag nila mangbash ng ibang artista.

hmm tapos mahirap makipagusap sa mga tards o bashers na to kasi sarado utak nila at saka wala silang sense kausap. hindi nila magegets ung sinasabi mo, kahit maayos un paliwanag mo kasi sarado na ang utak nila. papaniwalaan lang nila ang gusto nila paniwalaan.

kaya nga ang ginagawa ko na lang e report & block na lang.

at least di mo na mababasa un mga tweets nila na masakit sa mata.

—————

sa aldub nation, madami din mga bashers ng ibang artista. ung iba sadyang nangbabash dahil ayaw nila sa artista na yun at yun talaga ugali nila. or naiinis talaga sila dun sa artista kaya nila binabash. pero kadalasan, nagagawa lang din nila mang-bash kapag napoprovoke sila.

halimbawa, ung ibang fans ni julie, hindi nga nila minemention un pangalan ni maine, pero obvious naman sa tweets kung sino ang tinutukoy nila. kapag nabasa to ng aldub nation, syempre di mapipigilan ang magreact. at ang mangyayari nababash na nila si julie. dahil sa dami ng ADN na rumesbak para ipagtanggol si maine, bandang huli ang lalabas na biktima eh si julie at ang fans nya. eto ay pawang obserbasyon ko sa mga bagay. dahil ako mismo ang nakasaksi ng usapan na ganto, hindi ko lang nascreenshot sayang.

ganon naman ang nangyayari madalas e, kapag naprovoke ang matatapang na ADN, at rumesbak. dahil sa dami ng adn, ang lalabas na kawawa at biktima eh ung nagprovoke sa kanila.

hindi ko naman din sinasabi na ok lang magbash ng ibang artista tapos kapag kay alden at maine hindi pwede. hindi ok ang mangbash. mas mabuti na sumuporta na lang sa idolo at kung ayaw mo sa ibang artista eh deadma na lang.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s