oh!life

awkward.

awkward yung… nakasabay mo at nakatabi mo sa jeep yung lalaking nirereto sayo ng mga katrabaho mo. lol

hindi ko alam kung kilala din ba nya ko. pero ako kilala ko sya.

ganto kasi yun. yung mga kaopisina ko, dahil nga sa wala akong bf, gusto ako ireto dun sa kakilala nila. sinabi nila sa akin un name saka kung saan nagtatrabaho. hinihingi nga daw yung no. ko para maitxt daw ako -.- tinatawanan ko lang sila, hindi ko sineseryoso yung sinasabi nila e. ayoko kasi ng ‘reto’ sa totoo lang. or yung ipapablind date ka ganun. pero dahil isa akong curious na bata, sinearch ko sya sa facebook, pero hindi ko sya in-add. hehe.

at nakita ko yung profile nya. hmmm ok naman yun itsura nya. decent naman. may itsura nga eh. mukha ding mabait. pero di ko talaga maisip na.. alam mo yun… di ko keri na imeet sya. pinapangunahan ko na sarili ko. ang awkward. kasi awkward akong tao. hahaha. o may kakayahan akong gawin awkward ang mga sitwasyon o bagay bagay lol. atsaka nalaman ko na pinsan din nya yung pinsan ko pero hindi kami magpinsan, (gets mo? basta ayun.)

ayaw ko talaga na nirereto ako kung kanikanino. kung sinosino na yung binalak ireto sakin ng mga kakilala ko, mga katrabaho ko, o mismong mga kamag-anak ko. pero tinatanggihan ko lang. gusto nila makipagdate ako. kasi ok naman daw eh, kilala naman nila. pero ako yung tumatanggi. kasi nga… di ako kumportable sa ganun. ewan? di ko talaga maisip yung sarili ko na makipagblind date XD

ambisyosa man ako matatawag pero gusto ko yung makikilala ko yung taong magugustuhan ko na kagaya dun sa mga napapanuod ko sa TV or movies, or yung nababasa ko sa mga books/ fics. yung kakaibang first meeting. hahaha. parang timang noh? gusto ko yung hindi ko malilimutan. oo baliw na kung baliw. pero ganun yung trip ko. hahaha.

kaya eto, tanggap ko naman na impossible din mangyari yun ganun.

kaya tanggap ko na wala ako makakatuluyan kung itutuloy ko pa din ang pagiging choosy at demanding ko. hahaha.

=P

 

Advertisements

4 thoughts on “awkward.

    1. db? hahaha! nakakatawa eh pero di talaga ako comfortable sa ganun setup XD (sa tanda kong to ah. choosy pa ko. hahaha)
      db parang ang weird. XD ewan ba di ko talaga maisip heheheh

      1. Oo unni. Pero maganda if nga may nirereto sayo idaan muna sa text or chat. Dun palang kasi magkakaroon kana ng idea sa personality ng tao then pag mejo feel mo naman okay sya, dun na siguro yung sa personal para di gaanonh awkward. XD pero suggest ko try mo unni, malay mo xD

      2. hahaha ewan ko. tamad din ako makipagusap sa iba e XD gusto ko lang ngaun magbasa saka manuod. andami ko din di narereplyan heheheheh

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s