memories · oh!life

3 years ago..

3 years ago.. muntik na akong mamatay.

totoo. and it started with just a simple headache. alam mo yung sakit ng ulo na akala mo dahil kulang lang sa tulog? ininom ko lang sya ng gamot pero tuloy tuloy pa rin ako sa pagtatrabaho. kasi pagdating naman ng gabi itutulog ko rin naman ung sakit ng ulo tapos kinabukasan mawawala din.

pero hindi, kasi pagkagising ko kinabukasan, masakit pa din yung ulo ko. tapos dinagdagan na ng lagnat. so, naisip ko, ah trangkaso siguro. kailangan to ng pahinga. inom ng gamot saka maraming tulog. pero yung sakit ng ulo ko mas lumala. eto na yung tipo ng sakit ng ulo na hindi na ako makatulog.

nagstart yung sakit ng ulo ko ng tuesday, nilagnat ako ng wednesday hindi na ako pumasok sa trabaho para makapagpahinga. pero hindi ako makatulog hanggang thursday dahil sa sobrang sakit ng ulo. kaya inisip ng nanay ko na ipacheck-up ako. kaso ayaw ko magpacheck-up sa boss ko. (na may clinic malapit samin) kasi nahihiya ako. yes, mas naisip ko pa ang hiya bago ang kalusugan ko. parang tanga lang noh.

naisip ni nanay na ipacheck ako sa doctor na mas malapit ang clinic sa amin. ang sabi ng doctor na yun UTI daw. niresetahan ako ng anti-biotics at dagdag gamot para sa lagnat. so akala ko ok na, pero gang friday kinabukasan mas tumindi pa ang sakit ng ulo ko at hindi na naman ako nakatulog. hindi rin bumababa ang lagnat ko. kinulit na ako ni nanay na dapat magpacheckup na ako sa boss ko.

nung nagpunta na kami ng nanay ko sa clinic at icheckup na ko ni boss. chineck nya un lab results ko. ok naman un platelet count so hindi sya dengue. ung wbc count ko ata is  mataas(?) hindi ako sure dito e kasi hindi ko sya iniintindi dahil masakit nga ang ulo ko. so infection yun. nung chineck nya kung nakakatingala ako, sabi ko masakit. kasi sobrang sakit talaga ng leeg at batok ko pag tumitingala. iniisip nya din na baka meningitis un sakit ko. at gusto nya makasigurado kaya pinapapunta nya na ako sa hospital kung saan din ako nagatrabaho. pero sabi ayaw ko. hahah XD ang tigas ng ulo noh? mas marunong pa sa doctor. sabi nya kasi mukhang kailangan na ako i-admit. tapos tumatanggi ako. LOL ako lang ata ang patient na ayaw makinig sa sinasabi ng doctor XD tapos ayun sabi nya sige obserbahan muna sa bahay, binigyan na ako ng mas matapang na anti-biotics, gamot sa sakit ng ulo, saka gamot uli sa lagnat kasi hindi pa rin nawawala ang lagnat ko.

medyo nawala ang lagnat ko kinabukasan at nakatulog na din ako pero masakit pa rin ang ulo ko. sa bahay medyo naggagalaw na ako, nakikipagchikahan kasi dinalaw ako nung gf ng kapatid ko. May 26 yun (di ako nakaattend ng anniv party namin) mga bandang 5pm na nagchills ako bigla. tumaas na naman ang lagnat ko tapos nagchichill ako talaga. nanginginig buong katawan ko. pero kaya ko pa naman so pinagwalang bahala ko. pero mga bandang mag8pm na ata yun, uncontrollable na talaga un panginginig ng buong katawan ko. nagdecide na ang nanay ko na dalhin na ako sa hospital.

pagdating ko dun, for admission na ako agad at tinawagan na nila yung boss ko dahil sya na din un attending physician ko nun. ang initial diagnosis sakin ng resident doctor on duty ay UTI at possible dengue dahil mataas ang lagnat. nirefer din ako ng boss ko sa asawa nya na nagspecialize sa infectious disease. pinuntahan nila ako kinabukasan. at after nila ako icheckup, nirefer nila ako sa neurologist. dahil nga ang tingin nila na sakit ko is ‘bacterial meningitis’

ano ba ang  bacterial meningitis ?

*click nyo na lang un link kung curious kayo*

pero hindi sya bastabasta na sakit. hindi sya simpleng sakit ng ulo + fever eh. mas matindi sya dun. at kung anoanong test din ang pinagdaanan ko para makasigurado kung meningitis nga (lumbar tap, ct-scan, etc) at ilang anti-biotics ata ang naipasok sa katawan ko para gumaling ako sa sakit na yun.

i stayed in the hospital from May 26 – June 7. ganon katagal, pero nagpapasalamat ako dahil sa tyaga at pag-aalaga ng mga doctors & nurses sa akin eh gumaling ako. pati na rin sa suporta at pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan ko. hindi ko nga lubos maisip na pinagdaanan ko to. na nagkaroon ako ng malubhang sakit na muntik ko na ikamatay.

pero laking pasasalamat ko sa Diyos na kahit gano ako kapasaway ay hindi nya pa din ako pinabayaan. biniyayaan nya pa ako ng mga tao sa paligid ko na tumulong sa akin para magtuloy pa ang buhay ko.

mga ilan araw pagkadischarge ko galing hospital, (8 days to be specific), nagawa ko pang manood ng concert ng cnblue sa araneta XD hahah kahit recovering pa lang ako that time. pero di ko talaga mapapalagpas yun dahil nakabili na ako ng ticket ahahah atsaka isa un sa pinakamasayang araw ng buhay ko. at pumasok na din ako kaagad sa work after nun lol na parang walang nangyari. hahahah.

kaya dapat ang sakit hindi pinapawalang bahala. minsan kahit simpleng sakit ng ulo lang, matindi na pala ang kahihinatnan kapag napabayaan.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s