Aldub · kurokurokuroro · umeepal lang

reklamo.

another rant na naman to ng isang mareklamong fan. madami talaga akong hanash sa buhay. at syempre tungkol na naman to sa aldub, or specifically kay alden. more on sa management ni alden and sa concert producer nya.

postponed yung concert nya sa pampanga na gaganapin dapat bukas. napostpone diumano dahil mayroon bomb threat? true ba to? pero yung concert nya sa calamba laguna tuloy pa din? yung totoo? alam ko nga na may death threat talaga sa aldub, gawa ng mga bashers o ng mga taong walang magawa sa buhay at humihiling ng masama mangyari sa kanila. dahil dito, dapat todo ingat sila kila alden at maine. hindi rin kasi biro talaga ang kasikatan nila e. sila talaga ngayon ang pinakasikat sa buong pinas sa totoo lang. pero siguro isa na din sa dahilan kung bakit napostpone kasi di pa soldout ang tickets. hindi ito dahil hindi na sikat si alden. kasi ba naman kulang na kulang sa promotion! yung ibang artist, 2 months before ng concert nila eh todo promote na sila sa tv & print ads. pero etong concert ni alden.. halos hindi mo mabalitaan. kung di mo pa mabasa sa social media hindi mo pa alam na magcoconcert sya. kaya ang nakakaalam lang eh yung mga avid fans nya talaga saka ung mga tambay sa twitter. ang galing ng management -_-; fair ah??

gma artist center or kung sino man ang tumatanggap ng mga project ni alden – question lang. napagaralan nyo po ba mabuti ang bawat project or gigs na tinatanggap nyo para kay alden? o wag nyo na naman sabihin na may say naman si alden sa lahat ng ginagawa nya. dahil uulitin ko kagaya dun sa dati kong post na dumadaan muna ito sa inyo bago makarating sa kanya. wala man akong alam sa pagmamanage ng artista, pero hindi lang po ako ang nakakapansin nito na parang may mali sa paghahandle nyo ng schedule ni alden pati na rin sa mga tinatanggap nyang commitment. please lang. aralin nyo muna po sana ng mabuti. at timbangin kung ito ba ay makabubuti kay alden. kumbaga think in advance. hindi po yung tanggap ng tanggap. kung si alden hindi po sya tumatanggi sa dumadating na trabaho sa kanya, sana naman po sa inyo pa lang e mapili na ng mabuti ang mga gagawin nya.

yung sa sunday pinasaya? alam ko po na originally kasama naman na sya talaga sa cast nun, dun sya regular. pero dahil naging regular sya sa eat bulaga at admit it or not doon sya naging successful, hindi po ba pwedeng iba naman ang bigyan nyo ng opportunity na magpakita ng talent nila sa sunday pinasaya? kailangan si alden pa din talaga? sa pagkakaalam ko marami pa pong artista sa gma artist center e, at marami din talented. siguro naman may madidiscover pa kayo na pwede naman gumawa ng ginagawa din ni alden. para naman di lang puro si alden, napapagod din po yun tao. ayoko talaga kasali sya sa sps kasi kinakain din ng sps ung oras nya. biruin mo ang rehearsal thursday, saturday ng gabi tapos sunday ng umaga before ng show? tapos ano ung segment nya 15mins lang ata tapos extra lang din sya sa ibang skit! -_- kmusta naman db.

lahat gusto nyo ipagawa sa kaniya, alam naman po ng lahat na sikat na sikat sya ngaun. kaya sana hinay hinay naman sa projects. naooverexpose tuloy sya e. lahat na ata ng festival, fiesta, beauty pageants, modeling search, raket here & there pinagawa nyo na kay alden. idagdag pa un endorsements, photoshoots, guestings sa mga gma7 shows (na hindi ko alam bakit gineguest na nila agad si alden hindi pa nagstart promotion para sa movie tapos di nya pa kasama si maine -_-),album, tapos ngayon may libro pa! eh natapat pa na need nilang magpromote ng movie nila. wag naman po tayo magpakampante na porque susuportahan po ng aldub nation ang movie ng aldub eh hindi nyo na sya ipopromote masyado. paano naman po malalaman ng non-fans na maganda ang movie? sana makapagfocus man lang sana si alden sa promotion ng movie nila.

tapos eto pa, ung teleserye ng aldub! tinanong sila kung may plan na para sa teleserye, tapos ang sagot ni alden depende pa sa outcome ng movie? hello? gma?! are you out of your mind?! o cge given na magiging successful ung movie ng aldub sa box-office, pero hindi dapat magbased dito kung bibigyan nyo sila ng teleserye! mygahd! yun ngang hindi naman nag-aangkat ng income sa inyo panay bigay nyo ng teleserye kahit wala naman nanonood tapos dito sa aldub, parang magmamakaawa pa kaming mga fans para bigyan nyo sila ng project?! grrrr nabwisit talaga ako sa nalaman ko na to. sana lang talaga ha wag nyo maisip na paghiwalayin sila. bwisit na bwisit ako dun sa kinakalat na itatambal nyo si alden kay jennylyn para sa my love from the star e! gusto nyo ba uli malugi?! grrrrr.

 

ang dami ko nasabi hahaha pikon na kasi ako e xD gusto ko lang ilabas un reklamo ko hahah napakareklamador ko naman.

basta madaming beses ako manonood ng imagine you and me, kahit dismayado ako sa gma, pero pordalab of aldub XD saka mukhang maganda un story. sana talaga heheh!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s