Aldub · chusaness · kurokurokuroro · umeepal lang

ms.dexie di ako sikat pero this spotlight is for you

answer to Ms. Dexie’s blog post about aldub nation & Maine Mendoza (http://feistymomma.com/2016/09/02/dear-aldub-nation-maine-mendoza-fans-heres-your-one-time-spotlight/)

ms. dexie, hindi po ako sikat na blogger kagaya mo. wala akong impluwensya sa tao. hindi rin ako mayaman. ako ay isang simpleng tagahanga ni Maine Mendoza at Alden Richards.

tambay ako sa twitter, nababasa ko ang mga tweets ng mga tagahanga at pati ng mga may ayaw sa kanila, at isa ka na dun.

nabasa ko ang tweet mo at paghalungkat ng mga old tweets ni maine kung saan nagmumura sya, nangbabash din sya, may mga masasamang salita syang nasasabi.. tweets nya un nung mga panahong 15 yrs old pa lang sya at hindi pa sya artista. wala pa syang impluwensya sa tao. iilan lang siguro ang followers nya nun. kaya kahit magmura sya o mangbash eh kakaunti lang ang nakakabasa.

samantalang ikaw, libolibo ang followers mo ng nagpost ka about dun. kung hindi mo gusto si maine at aldub (kitangkita naman na si alden lang ang gusto mo) maaari naman huwag ka ng magpost about sa kanya. dito nagsimula kung bakit maraming may ayaw na aldub at maine fans sayo.

ikaw ang nagtawag ng attention, para mapansin ka namin, at syempre hindi mo naman kami mapipigilan na magreact sa sinabi mo dahil sabi nga freedom of speech kagaya ng inaabuso nating lahat.

hindi ko binasa buo ang blog post mo about sa aldub fans at kay maine, pero ramdam na ramdam ko ang galit mo lalo na kay maine. maaari po ba kayong magreflect kung bakit galit na galit kayo sa kanya? ano ba ang ginawa nyang masama sayo? inagawan ka ba nya ng asawa? (obviously hindi,dahil hindi naman si alden ang asawa mo jk) nakaaway ba nya ikaw sa personal o ang mga anak mo? kilala mo ba sya sa personal? o ang galit mo na yan ang nagmula lang sa mga napapanood mo sa tv at nababasa sa twitter. talagang lalala ang galit mo sa kanya kung puro twitter accounts ng mga haters nya ang palagi mong binabasa at palagi mong kausap (mga twitter accounts ng galit na galit kay maine dahil kailanman hindi mapapasakanila si alden bwahahaha jk)

hindi ako perpektong tao. nagkakamali ako. tayong lahat may pagkakamali.

humihingi po ako ng tawad kung nasaktan ka namin. pero sana maisip mo din na humingi ng tawad dahil nasasaktan mo din si maine sa mga pinagsasasabi mo kahit wala man syang ginagawang masama sayo.

ikaw na nga ang may sabi, masaya ka sa buhay mo dahil may pamilya ka na kaya mabuti din na wag kang masyadong mangialam sa buhay ng mga artista.

pabayaan mo na lang ang mga tagahanga na maraming pwedeng ilaan na oras para dito. kagaya ko. 😂 pero kung di mo matiis, huwag naman sana sa paraan na alam mong marami kang masasaktan o maaaway. wala kaming pakialam sa opinion mo. pero kung ikaw ay isang taong may impluwensya sa publiko (dahil ang site mo nga ba ay news site or personal opinion site) huwag masyadong obvious ang bias.

oh btw, kung ayaw mo kay maine, huwag nyo na lang sya panuorin, huwag nyo tingnan ang mga billboards nya, huwag ka bumili ng mga magazine na featured sya. in short, pumikit ka na lang. hehe! joke lang 😂

huwag mo na lang pansinin. or kung di mo mapigilan ang galit makipagusap sa mga kaibigan na same level ang galit sa kanya tapos sa group chat kayo magchismisan walang makikialam sa inyo… maliban na lang kung may traydor sa inyo at magscreenshot nito 😏

gulogulo tong post ko anhirap magtype sa phone kung bat ba naman kasi nasira laptop ko wrongtiming tapos naalimpungatan pa ko. andami ko pang gusto sabihin halohalo na sa utak ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s